"Eh, paano naman nangyari yun, eh. Hindi naman tayo magkakilala" ang pinunto naman ni SAm.
"Maybe, ito ang tinatawag na love-at-first sight" ang paliwanag naman ni Rex. Napakunot ng noo si Sam.
"Alam mo, maraming salamat sa effort" si Sam. "Pero hindi pwede ang magkagusto ka sa akin"
"Anong ibig mong sabihin?" ang tanong naman ni Rex.
"Meron na ako" ang sabi ni Sam. "Kaya pasensya na. Mas makakabuti na rin kung lalayuan mo ako"
"G-ganun ba?" ang gulat na reaksyon ni Rex; may lungkot sa kanyang mga mata. Napatango naman siya.
"If that's the case then..." si Rex. "Be happy"
Pinanood ni Sam ang pag-alis ni Rex. Napabuntong-hininga naman siya. Nagsimula na rin siyang maglakad papalayo. Alas-onse na pala ng gabi nang matapos ang party. Tumigil siya sa tapat ng gate para maghintay ng taxi papauwi. May humintong sasakyan sa tapat niya. Napatingin naman siya. Bumukas ang bintana ng sasakyan.
"hui" ang bati ng nakaupo sa passenger's seat.
"Maka-hui ka diyan" ang reaksyon naman ni Sam.
"Magkano ka?" ang tanong ni Ricky.
"Ha?" ang nagtatakang tanong ni Sam. Hindi niya maintindihan ang tanong sa kanya ni Ricky. Natawa naman si Ricky.
"Sumakay ka na nga"
"Bakit?"
"Ihahatid na kita sa inyo"
"Sigurado ka?"
"Oo naman" si Ricky sabay bukas ng pintuan. Sumakay naman si Sam. Umandar ang sasakyan.
" Oi, ano na pinag-usapan niyo ni pogi?" ang pag-uusisa naman ni Ricky kay Sam.
"Siya nga talaga yung nagbigay ng damit at ng mga rosas" ang pagkumpirma ni Sam.
"Oh, tapos?" ang tanong ni Ricky.
"Tapos na" ang tugon naman ni Sam. "Sabi ko, hindi na pwede kasi may Jun na ako... Na dapat niya akong layuan"
"Tapos anong sinabi niya? Ano ba yan? Installment ka kung magkwento"
"Pumayag siya. Hanggang ganun na lang yun" ang sabi namn ni Sam. "Wala naman kaming masyadong pinag-usapan kundi yun lang"
"Ayy, sayang si Pogi" si Ricky. "Sana sa akin na lang siya"
"Sira ka talaga" ang reakyon ni Sam sabay tawa. "Parang hindi ka pa nagkaka-jowa at napakadesperada mo"
"Excuse me. Sa ganda kong to; maraming umaaligid sa akin" ang depensa naman ni Ricky.
"Oh? Eh, maraming umaaligid sa'yo ngayon?" ang tanong naman ni Sam.
"Of course!" ang reaksyon naman ni Ricky.
"Kung meron nga; eh dapat isa sa kanila ang kasama mo ngayon at hindi ako" ang sagot naman ni Sam.
"So, ailangan talaga?" ang tanong ni Ricky. "Paano naman kung wala akong gusto sa kanila?"
"Bakit naman?"
"Eh, kasi choosy ako" ang paliwanag naman ni Ricky. Napailang na lang si Sam.
'Ewan ko sayo" ang komento naman ni Sam. "Dito na pala. Kuya, pahinto na diyan sa tabi"
"O,sha. Kita na alng tayo sa Lunes" ang paalam ni Sam nang pumara ang kotse. Binuksan niya ang pinto at bumaba.Nadatnan niya si Jun sa katapat na sari-sari store. Nakikipag-inunman sa mga barkada niya. Mukhang nakakasayahan sila kaya hindi na niya tinawag pa si Jun. Dumeretso na lang siya papaloob ng boarding house. Hindi niya namalayan na nakita siya ni Jun at sumunod sa kanya. Isasara na sana niya ang pinto ng kuwarto ng humarang si Jun.
"Andito ka na pala" ang sabi ni Jun sabay sara ng pinto.
"Jun, bakit ka uminom?" ang tanong ni Sam.
"Nagkasayahan lang, mahal" ang tugon naman ni Jun habang nakasandal sa pinto.
"Lasing ka na ata eh" ang komento ni Sam nang makita ang kalagayan ni Jun.
"Hindi pa" ang sabi naman ni Jun. "Nakaka-ilang tagay pa nga lang ako eh"
"Anong hindi pa? Eh, halos hindi mo ka nga makatayo ng deretso diyan sa kinalalagyan mo"
"Drawing lang yang sinasabi mo!"si Jun na wala na nga sa kanyang sarili.
"Hay naku Jun" si Sam sabay alalay kay Jun. "Magpahinga na tayo"
"Hindi... Iinom pa ako, kaya ko pa" ang pagtanggi naman ni Jun.
"Wag na" ang paki-usap naman ni Sam. "Magpahinga na tayo. Marami ka nang nainom oh"
"Asus, ako pa ba?" ang tanong ni Jun. "Ilang bote lang ng alak? Wala yun sa maraming taon na nag-isa ako. Wala yun sa hirap at pagod para malagpasan ko ang bawat araw ng buhay ko. Buong buhay ko, nasa impyerno ako"
"Alam ko, Jun. Naiintindihan ko ang sitwasyon mo; ang naging buhay mo" ang pakikidalamhati ni Sam kay Jun. "Pero nakaya mo; kinakaya mo"
"Nakakapagod din" si Jun.
"Ngayon pa ba, Jun?" si Sam. "Ngayon ka pa ba mapapagod kung kelan andito na ako?"
Yumakap si Jun sa kanya... Isang yakap na napakahigpit.
"Sam.." si Jun. "Wag na wag mo akong iiwan. Hindi ko n alam ang gagawin ko kung aalis ka pa. Ayoko nang mag-isa pa"
Sa puntong yun ay parang batang lumuluha si Jun.
"Hindi mangyayari yan" si Sam. "Pangako ko yan sa'yo."
Yumakap si Sam pabalik. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Isang imahe ng kalakasan ang nakikita ng lahat kay Jun ngunit sa mga sandaling ito... Napakahina niya.
"Jun, makinig ka" si Sam. "Huwag na huwag kang bibitaw sa mga pangarap mo. Meron man ako o wala sa buhay mi. Magsikap ka para sa sarili mo. Isang araw na lang magigising ka; matatawa ka pag inaalala mo ang mga sandaling lugmok ka. Tatawanan mo kasi masarap na sa pakiramdam mo ang sabihing "Kinaya ko ang lahat ng ito"
"Mas masarap sa pakiramdam kapag nagising ako at ikaw ang una kong makikita. Tatawa ako kasi kaya kong sabihing "Kinaya ko ang lahat ng ito at ang rason dahil ay ang siyang taong katabi ko" ang sabi naman ni Jun habang nakangiti. Napangiti rin naman si Sam sa sinabi ni Jun.
"Magpahinga ka na" ang sabi naman ni Sam. Hiniga niya si Jun si kama at inasikaso bago nagpalit ng pambahay. Naupo siya sa upuan at pinagmasdan si Jun. Hindi maitatangging masaya siya.
Nang makaramdam na rin ng antok ay nahiga siya sa tabi ni Jun. Ginawa niyang unan ang braso ni Jun bago yumakap. Nagising naman si Jun at yumakap pabalik.
"Maraming salamat sa pagdating mo, Sam" ang bulong ni Jun sabay halik sa noo niya.
Dumaan ang mga araw ay tuloy ang normal nilang buhay. Hanggang sumapit ang araw ng monthsary nila.
"Mahal, hindi kita masusundo ngayon" ang paalam ni Jun kay Sam. "May raket kasi ako ngayon."
"Ayy. O, sige" ang tugon naman ni Sam bago nagpaalam at umalis para pumasok.