Ikaanim na kabanata

3K 120 4
                                    


" Ano yan?" ang tanong ni Jun nang mapansin ang hawak ni Sam.

"Ah, may nagbigay sa akin" ang tugon naman ni Sam.

"Sino?" ang sunod na tanong ni Jun.

"HIndi ko rin kilala"

"Hindi kilala? Eh, paano mo yan natanggap kung hindi mo kukunin"

"Eh kasi nga iniwan sa upuan ko"

"Naiwan lang sa upuan; kinuha mo na"

"May pangalan po ako" ang depensa ni Sam sabay pakita ni Sam sa card. Binasa naman ni Jun ang laman.

"Uhmm,, all eks--eskspeeensees" ang basa ni Jun. "Anong ibig sabihin nito?"

"Binayaran na raw ang lahat ng gagastusin" ang paliwanag naman ni Sam.

"Anak ng pating!" si Jun. "Nagpapaligaw ka. Boypren mo na ako tapos nagpapaligaw ka pa!"

"Hui! Maghunusdila ka sa panghuhusga,ha!" ang buwelta naman ni Sam. "hindi ako kasing landi nung Estella na yun"

"Eh, bakit yan?"

"Wala naman akong pagipilian" ang paliwanag ni Sam. "Kung alam ko nga lang kung sino ang nagbigay nito eh; kaagad ko nang binalik"

Nanahimik naman na si Jun. Nadala na siya ng inis at selos.

"Mauna ka na sa boarding house" ang malamig na sinabi ni Jun.

"A-ano?" ang gulat na tanong ni Sam. "akala ko ba sinundo mo ako para sabay tayong umuwi?"

"Sana hindi na nga lang ako pumunta" ang komento ni Jun.

"Eh di sana hindi na lang! Kung iiwan mo rin naman ako sa ere" ang pagsang-ayon naman ni Sam sabay takbo palayo.

Nauna na ngang umuwi si Sam. Nanag makarating siya ng boarding house ay kaagad siyang nagpalita at nahiga sa kama nila ni Jun. Kusa na lang pumatak ang kanyang mga luha. Hindi niya maintindihan kung bakit ganuna ng inasal ni Jun sa kanya. Para lang sa isang bagay...

Alas otso na nang makarating si Jun sa boarding house.

"Si Sam po, nakita niyo?" ang tanong ni Jun sa landlady nila.

"Aba, kanina pa nasa kuwarto. Hindi pa nga lumalabas eh. Tignan mo nga" ang bilin naman sa kanya. Tumango naman si Jun at pumasok ng kuwarto. Hinanap niya kaagad si Sam. Madilim ang paligid ngunit natanaw niya kaagada ang mumunting katawan ni Sam sa kama nila.

"Sam. Maghapunan ka na" ang sabi ni Jun pero hindi tumutugon si Sam. Lumapit naman si Jun at naupo sa gilid ng kama. Nagtanggal siya ng sapatos, pantalon at T shirt sabay higa sa kama.

"Sam..." si Jun.. Pero puro pagsinghot ang mga naririnig niya. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto ang isang bagay,umiiyak si Sam dahil sa kanilang pag-aaway. Lalong lumapit si Jun kay Sam. Yumakap si Jun sa kanya; wala namang pagpalag na nangyari. Hinawakan ni Jun ang kamay ni Sam.

"Sam, pagpasensyahan mo na ako" ang paghingi ni Jun ng pasensya. "Hindi ko sinasadya ang mga nasabi ko. Sam..

Pero hindi pa rin umiimik si Sam.

"Anong pwede kong gawin para naman maging maayos na ulit tayo?" ang tanong ni Jun.

"Bakit ganun na lang ang nagingpakikitungo mo sa akin?" ang tanong naman ni Sam.

"Ayoko lang naman na may ibang umaaligid sa'yo" ang paliwanag ni Jun.

"Ayaw mong may umaaligid sa akin pero iniwan mo ako sa ere?" ang tugon ni Sam. "Tapos sabi mo pa nagsisi ka na sinundo mo ako"

"Hindi ko naman sinasadya, nadala lang naman ako ng emosyon" ang muling pagpapaliwanag ni Jun. "Gusto ko naman talaga na magsabay tayong umuwi. Sorry na, Sam"

Humarap naman si Sam sa kanya at yumakap pabalik.

"Sana wag mo na ulitin yun"

"Pangako" ang tugon naman ni Jun. Yumakap naman si Sam sa kanya.

"Maghapunan na tayo" ang yaya ni Jun sabay punas sa mga luha ni Sam. "Ipagluluto kita"

"Hindi mo naman----"

"Basta, ako ang bahala" si Jun sabay baba ng kama. "Magbihis ka"

"Ha? Para saan?" ang tanong naman ni Sam pabalik.

"Kakain tayo sa labas" ang anunsyo ni Jun.

"Hindi na kailangan" ang pagtanggi naman ni Sam. "Magluluto na lang ako"

"Hindi ngayong gabi" ang sabi naman ni Jun sabay kuha sa kamay ni Sam at hila sa kanya pababa. Nagsimulang magbihis si Jun habang nakatunganga pa rin si Sam habang nakatitig sa kanya. Napansin naman yun ni Jun. Bigla siyang humarap nang nakahubo't hubad.

"JUUUN!" ang reakyon ni Sam sa ginawa niya sabay takip ng mga mata. Natawa ng malakas si Jun sa ginawa ni Sam.

"Dapat masanay ka na" si Jun habang pinagpatuloy ang pagbibihis.

"Sira" si Sam at nagsimula na ring magbihis.

"Saan tayo pupunta?" ang tanong ni Sam nang naglalakad na sila sa sa kanto.

"Hulaan mo" ang tukso naman ni Jun.

"Wala akong ideya" ang tugon naman si Sam.

"Saan ang pinakamasarap na makakainan dito?" ang maligalig na tanong sa kanya ni Sam. Napaisip naman si Sam.

"Mmmmm, Jollibee?" ang tugon ni Sam.

"Mali" ang tugon naman ni Jun.

"Eh, saan nga?"

"Saan pa ba?" si Jun. "Eh. Di sa karinderya ni Mang Isko!"

Natawa naman si Sam.

"Sa halagang singkwenta pesos; may kanin ka na! May dalawang ulam ka pa!!" ang mas maligalig pang sinabi ni Jun na mas nagpatawa pa kay Sam. Pinagpatuloy naman nila ang paglalakad hanggang sa makarating sila sa karinderya. Kaagad naman silang nagtingin ng makakain.

"Anong gusto mong kainin?" ang tanong ni Jun.

"Yung laing na lang at adobo. Eh, ikaw?" si Sam.

"Yung Bicol express at monggo" ang tugon naman ni Sam. "Maupo ka na. Ako na ang maghahatid ng pagkain natin."

"Sige" ang pagpayag naman ni Sam sabay hanap ng mauupuan. Hindi naman nagtagal ay sumunod si Jun dala ang kanilang makakain.

"Kain na" ang yaya ni Jun kaya naman nagsimula na silang kumain. "Sam, pagpasensyahan mo na kung sa ngayon; hanggang dito lang ang kaya ko"

"Tulad nga ng nasabi ko at uulitin ko ulit sa'yo" ang tugon ni Sam. "Hindi importante kung saan mo ako dalhin. Ang mahalaga... Yung magkasama tayong dalawa"

"Maraming salamat, Sam" si Jun. "Kasi naiintindihan mo yung sitwasyon ko. Di bale, magsisikap pa ako; hindi na lang para sa sarili ko kindi para sa ating dalawa"

"Susuportahan kita sa lahat ng daang tatahakin mo" ang paniniguro naman ni Sam sa kanya.


Wa Klas (Completed BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon