Pamuod

567 23 7
                                    

Kapwa kami nakatingin sa mga tala ni Andrew. Rinig ko ang pagtama ng mga alon sa dalampasigan mula sa aming kinalalagyan.

"Hindi ako makapaniwala na makikita ko pa muli si Jun" anmg pagbasag ko sa katahimikan. "Ang liit lang talaga ng mundo. Hindi rin ako makapaniwala sa lahat ng mga nangyari sa atin sa nakaraan."

"Nagsisisi ka ba?" ang tanong naman niya.

"Sa totoo lang... ayoko nang isipin ang nakaraan" ang tugon ko. "Ayokong pagtuunan ng pansin kung anong dapat nangyari... yung mga posibilidad. Wala na sa akin yun ngayon. Ang mahalaga... kung ano yung nasa kasalukuyan."

"Bakit... sa kabila ng lahat ng mga naging kasalanan ko sa'yo; minahal mo pa rin ako?" ang tanong niya. "I took you away from the man you love... I sexually assaulted you. I..."

"Tama na, Andrew" ang suway ko sa kanya. "To be honest, hindi naging madali sa akin ang lahat; alam mo yan. Pero hindi na natin maibabalik ang nakaraan... nagsisi ka sa mga ginawa mo at napatawad na kita. Yun naman ang importante."

Yinakap naman niya ako sabay patong ng baba niya sa balikat ko.

"May isang bagay akong hinding-hindi pagsisihan" ang sabi naman niya.

"Ano naman?" ang tanong ko.

"Ang ipaglaban ka" ang tugon niya. "All my life, nakasunod lang ako sa mga sasabihin ng mga magulang ko. I'm a mere puppet for them but when I saw you. I fell in love with you. Wala akong ibang magawa at wala akong ibang alam gawin kui kunin ka. It's one of my successes."

"Andrew, pwede bang... dito na lang tayo?" ang tanong ko sa kanya.

"Yan ba talaga ang gusto mo?" ang tanong naman niya. Tumango naman ako. "O, sige"

"Sigurado ka?" ang excited ko namang tanong.

"Kung yun ang magpapasaya sa'yo" ang tugon naman niya. "At tsaka. mabuti na yun nang matutukan ko rin ang family business natin dito sa Pilipinas."

Hinalikan naman niya ang noo ko.

"Pagkatapos ng bakasyon natin dito sa Baler; deretso tayo sa bahay namin sa Manila" ang sabi niya. "Kung gusto mo; you can start your own Interior Designing Agency."

"Magandang ideya nga yan" ang pagsang-ayon ko sa aking narinig. Napangiti naman siya. Yinaya ko naman siya sa loob ng bahay na rinentahan namin.

Kinabukasan... habang hinahanda ko ang agahan namin ni Andrew ay may kumatok sa pinto. Kaagad naman akong nagtungo sa pintuan at binuksan ito. Si Jun.

"Uhm, paalis na kami mamaya-maya" ang paalam niya. "Sam, pwede ba tayong mag-usap? Kung okay lang kay Andrew"

Kapwa naman kami napatingin kay Andrew na nakatingin sa aming dalawa. NGumiti lang naman siya at tumango. Lumabas naman ako. Sabay kaming bumaba ng hagdanan. Kaagad kaming sinalubong ng sariwang hangin. Sa hindi kalayuan ay tanaw namin ang mga rock formation. Nagsimula kaming maglakad sa dalampasigan.

"Nakapag-usap na kayo ni Harold?" ang tanong ko naman. Tumango naman siya.

"Medyo nagalit siya sa akin; kasi tinago ko na nakakaalala na ako" ang paliwanag niya.

"Since when... can you remember?" ang tanong ko naman.

"Simula nung una kitang nakita rito." ang tugon niya. "Hindi ko alam pero kinagabihan ay nagbalik lahat ng mga ala-ala ko"

Napatango naman ako.

"Paano nga pala kayo nagkakilala ni Harold?" ang sunod kong katanungan.

"Nabigyan ako ng pagkakataong matapos ang pag-aaral ko. Nakapasok ako sa isang university. Nakilala ko run si Harold. Sa totoo lang, nung una natatakot akong pumasok sa mga klase ko. Ako kasi ang pinakamatanda at natatakot din ako na hindi ako makasabay sa mga ituturo nila. Lalo na sa wikang Ingles; alam mo naman na hindi ako marunong. Si Harold lahat nagturo sa akin. Mabuti nga eh. Napagtiisan niyang tulungan ako. Halos sampung oras kada araw niya akong sinasanay na magsalita sa wikang Ingles."

Wa Klas (Completed BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon