Naroon ang landlady, ang ilan sa boarders, at isang lalaking mukhang galing sa contruction site. Kaagad naman siyang kinabahan.
"Anong nangyari kay Jun?" ang histerikal na tanong ng landlady.
"Naaksidente pos i Jun sa construction site" ang balita ng lalake.
"Diyos ko" ang reaksyon naman ng landlady. Hindi makagalaw si Sam sa kanyang kinalalagyan. "Nasaan siya?"
"Naitakbo na po sa ospital" ang tugon naman ng lalake. Nagpaalam naman na ito nang maibigay sa kanila ang pangalan ng ospital kung saan itinakbo si Jun. Kaagad yumakap sa kanya ang landlady sa sandaling nakita siya nito.
"Wag kang mag-alala, magiging maayos ang lahat" ang bulong ng kanyang landlady. "Walang masamang nangyayari sa kanya."
"Pero hindi pa rin mapanatag si Sam. Batid niyang hindi makakatulong ang pag-iisp ng sobra. Kailangan niyang magpakatatag... Para kay Jun; lalo na't ngayon siya kailangan ng kasintahan.
"Gusto ko na po siyang makita" ang sabi naman ni Sam. Kaagad naman silang nagtungo sa ospital. Nasa emergency room pa rin si JUn nang makarating sila. Matyagang naghintay si Sam. Ilang oras na ang lumipas... Hanggang sa puntong ito ay malakas pa rin ang paghahangad niyang mailayan na ang mukha ng kanyang minamahal.
Sa wakas ay inilabas na ang emergency room si Jun kasunod ng doktor na kaagad naghanap ng kamag-anak ng pasyente. Lumapit si Aling Aida ngunit iginiit ng doktor na pamilya mismo ng pasyente ang dapat niyang maka-usap. Ipinaliwanag naman ni Aling Aida ang sitwasyon ni Jun kaya sa kanya na nakipag-usap ang doktor.
Nasa Neurosurgical ward na ang lahat. Nasasaktan si Sam at naawa siya sa kasalukuyang kalagayan ni Jun. Halos mabalutan na ang buong ulo ni JUn ng benda. Wala pa rin siyang malay at ipinaliwanag ng doktor na hindi pa siguradokung kailan siya magkakamalay. Sobrang hirap pero pinipilit ni Sam na tumayo sa kanyang mga paa. Lumipas na ang ilang araw ngunit hindi pa rin nagpapakita ng paggalaw si Jun. Sa tingin ni Sam ay hindi pa nababalitaan ng ina ni Jun ang nangyari sa kanyang ina. Hindi pa kasi siya dumadalaw.
"Sam, may problema tayo" ang balita ni Aling Aida nang dumating siya.
"Ano po yun?" ang tanong ni Sam.
"Tinakbuhan nila tayo" ang balita ni Aling Aida. "Yung mga kailangang managot at umako sa pagkaka-aksidente ni Jun. Nagsi-alisan."
"Paano po ito?" ang reaksyon naman ni Sam.
"Hahanap tayo ng paraan" ang tugon naman ni Aling Aida. Nahinto sila sa pag-uusap nang may hindi inaasahang bisita. Si Estella...
"Nagmadali akong pumunta rito sa sandaling nabalitaan ko ang nang-yari kay Jun" ang sabi ni Estella. "Kamusta na siya?"
Umiling naman si Sam sabay sabing, "Hanggang ngayon; hindi pa rin siya nagkakamalay"