Ikawalong Kabanata

2.9K 101 0
                                    


Pagkalipas ng ilang mga araw...

"Sam, bukas na yung party" si Ricky. "Pupunta ka ba?"

"Pinag-iisipan ko pa eh" ang tugon naman ni Sam.

"Bakit naman?" ang tanong naman ni Ricky.

"May trabaho kasi ako hanggang alas-otso ng gabi" ang sabi naman ni Sam.

'Ha? Anong trabaho yan?"

"Kinuha ako ng landlady namin na magbantay ng stall niya sa terminal ng bus" ang paliwanag naman ni Sam.

"Ayy, ganun ba? Hindi ka ba pwedeng mag undertime" ang tanong ulit ni Ricky.

"Pwede naman kaya lang nanghihinayang ako sa ilang oras" ang tugon naman ni Sam.

'Hay naku. Alam mo dapat hinahayaan mo rin ang sarili mong makapagrelax" ang sabi naman ni Ricky. "Isa pa isang beses lang sa isang taon ang ganung activity. Sayang naman yung pinambayad ng secret admirer mo sa party para lang umattend ka"

"Kung pupunta mana ako; hindi dahil dun" ang depensa ni Sam.

"Ikaw na nga ang bahala" ang pagsuko ni Ricky. "Oh, ayan na pala si pogi eh"

"Jun!" ang pagtawag ni Sam kay Jun.

"Jun lang?" ang tanong ni Ricky.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" ang naguguluhang tanong ni Sam.

"Wala man lang kayong espesyal na tawagan?" ang tanong ni Ricky.

"Seryoso ka ba???!!" si Ricky. "Tulad ng "baby", "mahal", "daddy"

"aaaah" ang reaksyon naman ni Sam sabay tango. "Wala eh. Kailangan ba yun?"

"Hindi naman. Eh, natural lang kasi kaya sa mga magjojowa ang ganun"

"ganun pala yun"

Lumapit sa kanila si Jun.

"Tara na?" ang maligalig pa ring yaya ni Jun kay Sam.

"oh, bago tayo maghiwalay. Kunbinsihin mo nga yang jowa mo na umattend sa acquaintance party" ang sabi ni Ricky kay Jun bago nagpaalam na umalis. Nagsimula namang maglakad si Sam at Jun.

"Bakit hindi ka pupunta?" ang tanong naman ni Jun kay Sam.

"Hindi ko namang kailangang pumunta eh" ang tugon naman ni Sam.

"Pumunta ka" ang sabi ni Jun. Napatingin naman sa kanya si Sam. Ngumiti naman sa kanya si Jun. "Parte yan ng pag-aaral mo. Kailangan mo ring magsaya. Hindi yung puro aral lang. Mababaliw ka nun. Bakit? Gusto mo ba na pag nagkapamilya tayo eh. Sumisigaw ka ng "Crispin!!!" "Basilio!!!" dahil nabaliw ka sa pag-aaral"

"Grabe ka" ang komento ni Sam sabay tawa.

"Pero seryoso" si Jun. "Pumunta ka"

Tumango naman si Sam. Umakbay naman si Jun sa kanya.

"Sa totoo lang, nakakainggit ka naga eh" si Jun. "Nararanasan mo ang mga ganyang bagay."

Hindi alam ni Sam ang kanyang sasabihin. Bigla siyang nakonsensya at nalungkot na kaagad namang napansin ni Jun.

"Hui, hindi ko sinabi yun para malungkot ka" ang paliwanag naman ni Jun. "Wala ka namang kasalanan"

"Hindi mo alam kung gaano ako nalulungkot kapag nagsasabi ka ng ganyan" ang sabi naman ni Sam.

"Tulad nga ng sinabi ko; wala kang kasalanan" ang sabi ni Jun. "Isa pa. Kontento na ako sa akunga anong meron ako ngayon. Mas nagpapasalamat pa nga ako kasi andito ka na sa buhay ko' at ipagpapalit ko lahat ng mga bagay na tulad ng ganun para sa'yo"

"Ayokong maging rason para ipagkait mo sa sarili mo ang mga bagay na posibleng mmagpasaya sayo"

"Masaya ako sayo kaya nga ipagpapalit ko ang lahat dahil ikaw langa ang kaligayahan ko." ang paliwanag ni Jun. "malapit na pala tayong mag-isang buwan"

"oo nga" ang pagsang-ayon din naman ni Sam. "Ang bili ng oras"

"Wag kang mag-alala; may habangbuhay pa tayong dapat punan" si Jun. "Oh, ano? Malungkot ka pa diyan?"

"Hindi naman masyado" ang tugon ni Sam.

"Alam ko na!" si Jun. "Ibibili kita ng sorbetes"

"Sorbetes?" ang nagtatkang tanong ni Sam.

"Oo, yung nakalagay sa tinapay" ang pagkumpirma naman ni Jun sabay lapit kay Manong Sorbetero. Nakamasid si Sam sa kanya at bigla-bigla na lang napapangiti. Naisip niya, maswerte siya kay Jun. Pilit kasing pinapasaya ni Jun si Sam at tila ba amabigat sa damdamin nito ang makita siyang nalulungkot. Pakiramdam niya ay may promoprotekta sa kanya. Hindi niya inakala na ang taong sumagip sa kanya nung unang salata niya sa lugar na ito ay ang parehong taong magmamahal din sa kanya.

"Oh, eto" si JUn sabay abot ng sorbetes sa kanya na nasa hamburger bun.

"Eh, ung sayo?" ang tanong naman ni SAm.

"Ayos lang ako mahal" ang sabi ni Jun.

"Mahal?" ang pag-uulit ni Sam.

"Oo, mahal" si Jun. "Kasi mahal kita"

Napangiti si Sam.

"Corny nito" ang komento niya na pilit tinatago ang kilig na naramdaman niya.

"Bakit? Hindi ka ba kinilig?" ang tanong ni Jun.

"Corny nga diba? May corny bang nakakakilig?" ang tanong pabalik ni Sam.

"kung ganun, ayaw mong tawagin kitang "Mahal"? Ang seryosong tanong ni Jun kaya natigilan naman si Sam.

"siyempre, gusto" ang tugon naman ni Sam.

"Yun naman pala eh!" ang reaksyon ni Jun. "Pabebe!"

"Ewan ko sa'yo!" ang ganti ni Sam. "Jun, maghati na tayo sa sorbetes"

"Hindi. Para sayo yan eh" ang pagtanggi naman ni Jun.

"Hindi ko naman kasi mauubos to eh" ang paliwanag ni Sam.

"Asus! Hindi raw oh! Eh, ang lakas mo kayang kumain" ang tukso ni Jun.

"Grabe to oh! Ikaw kaya ang malakas kumain sa ating dalawa" ang tugon naman ni Sam.

"Eh, kasi palagi akong nagbubuhat ng mga mabibigat na bagay" ang paliwanag naman ni Jun. "Eh, ikaw...."

"Wag mo nang ituloy. Hindi ko gustong marining ang mga susunod" si Sam. Natawa na lang si Jun. Pinagpatuloy nila ang paglalakad patungo sa paradahan ng jeep papauwi sa kanila. 

Wa Klas (Completed BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon