Ikadalawampu't Isang Kabanata

2.7K 86 9
                                    

"I think it's better if you go upstairs" ang suhestyon ni Andrew. "Bugs might bite you. Ako na lang pupunta sa bayan"

"Baka naman mawala ka. Sasama na lang ako" ang komento naman ni Sam.

"I'll be fine. Don't worry"

"Uhmm, o, sige" ang pagpayag naman ni Sam. Hinalikan naman siya ni Andrew bago sumakay ng kotse at umalis. Napatitig naman si  Sam sa malayo habang nakahiga pa rin sa duyan. Pagkatapos ng ilang sandali ay bumaba siya at umakyat.

Samantala, bumalik naman sa bahay sila  Jun at Harold. Tapos na rin silang makapamili ng lulutuin para sa hapunan.

"So, who's gonna cook?“ ang tanong ni Jun.

"Lunch was on me" ang komento ni  Harold bago nahiga sa kama.

"Hay naku naman" si Jun sabay kamot ng ulo.

"Sarapan mo ha?"

"Mas masarap ako. Kahit ako na lang ang kainin mo" ang tukso naman ni Jun.

"Wag na muna. Baka ma-umay ako" ang tugon naman ni Harold.
Natawa naman si Jun bago kinuha ang plastic ng seafood at lininis ang mga yun sa lababo bago linagay sa chiller. Lumabas ulit siya para pagmasdan ang karagatan. Napatingin siya sa paligid. May duyan sa malapit. Napangiti naman siya at linapitan yun. Naupo siya dun habang nakatingin sa karagatan.

"Kanin...kanin!" ang rinig niya mula sa mga beking dumaan na nakatitig sa kanya. Nginitian naman ni Jun ang grupo. Napatili ang magkakaibigan sabay takbo palayo. Natigilan naman siya nang may makapa sa duyan na gawa sa rattan. Kinuha niya yun at tinignan. Isang purselas na gawa sa pilak. May pendant na hugis letrang S.

Kahihilamos lang ni Sam nang maramdaman niyang may kulang. Hindi niya suot ang purselas na bigay ni Andrew nung first wedding anniversary nila. Mabusisi niyang hinanap yun sa loob. Naisipan niyang baka nahulog sa may duyan. Hinila niya ang pinto ngunit hindi bumubukas. Naalala niya ang paalala ng may-ari. Nagbasakali siyang may makakarinig sa kanya mula sa labas. Pagkalipas ng ilang minuto ay may nagbukas ng pinto.

"Okay ka lang?" ang tanong ng nagbukas ng pinto ngunit ng dahil sa ang purselas lang anv nasa isipian niya ay hindi niya ito pinansin at dalian siyang pumanhik ng hagdan at nagtungo sa may duyan.

"Asan na yun?" ang nag-aalalang  nasabi ni Sam bago naupo sa kama at binaon ang mukha sa kanyang mga kamay. Nagsimula siyang lumuha.

"Uhmmm, excuse me" ang sabi ng isang tinig. "Are you okay?"

Napatingin si Sam sa kung sino man yun. Isang lalake. Napa-iling naman si Sam.

"No, I'm not okay. My bracelet was lost" ang tugon naman ni Sam. "Regalo yun ng asawa ko eh"

"Sorry to hear that, buddy" ang komento ng lalake sabay himas sa likod ni Sam. Natigilan naman siya nang may tumikhim sa malapit. Napatingin silang dalawa.

"Andrew" ang naiiyak na pagtawag ni Sam sabay tayo at salaubong ng yakap sa kanya.

"Hey, what's wrong?" ang nag-aalalang tanong ni Andrew.

"Nawawala yung bracelet na regalo mo sa akin" ang tugon naman ni Sam.

"It's okay" ang tugon naman ni Andrew. "Ibibili na lang kita"

"But it doesnt serve its purpose anymore" ang depensa naman ni Sam.

"Ang mahalaga; narito pa naman ako eh. Would you choose a piece of metal over me?"

"Of course not" si Sam.

"Then please stop crying" ang paki-usap ni Andrew. Napatango naman si Sam. "I'll buy you a new one"

Wa Klas (Completed BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon