please....please....

3 0 0
                                    

A/n:

Summer time...

Drink lots of fluids....









Hindi mapakali si Mia... mula kasi tanghali aburido na ang alaga niya... isinayaw na niya... kinantahan pa....Ayaw pa ring tumigil sa kakaiyak...



''Baka pinainom mo ng panis na gatas?"


Umiling si Mia...''Ayaw nga pong kumain... laging nagyayaya sa garage...''


Lumapit si Mercy sa apo at hinagod ang ulo nito...''baby... You want to go somewhere?"

Huminto ito saglit pagkuway umiyak ulit...naglilikot pa...buti at hindi ito nabibitawan ni Mia...


''Ang mabuti pa...dalhin na lang natin sa hospital...'' Luminga linga...''Atong.... Ihanda mo ang kotse...dalhin natin si paulie sa hospital...''


''Madam... si Aina at JP po dadaanan na po ba natin?" Tanong ng driver..


Tumingin sa wall clock Ang ginang...''mabuti pa nga...uwian niya na pala... Tara na...''


''Tahan na baby.... lalakwatsa na tayo.... Sasakay na tayo ng kotse...'' Pag-papatahan ni Mia sa baby...


Dinaanan muna nila si JP at ang yaya nito saka sila tumuloy sa hospital...



Abala ang mga kasama ng bata ng masulyapan ni JP ang isang ale na nakaupo sa bench...she was looking at every one na napapadaan sa kinauupuan niya...she was eating an apple...


He doesn't care about that apple... Or he didn't even want a single bite...but the woman was familiar... He had seen her in his dreams....


Nakatuon pa ang pansin niya dito kahit hindi niya namamalayang nglalakad na siya palapit dito...


''Hi....you want apple...madami ako sa loob...'' Nakangiting alok nito at itinuro pa ang pinto sa kanan niya...


Naupo si JP sa tabi nito at tinitigan ang babae...'' Do you know my mom?"



''Ay...nawawala ka ba?... Anong name niya sasabihin ko sa nurse station...''nakangiting sabi ni Ray


''I've seen you in my dreams...my mom was holding your hand...''seryoso niyang giit..


My Mr.not So PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon