sweet smile....lonely eyes...

4 0 0
                                    

A/n;

Please understand kung madami pong wrong grammar... :-)





Ray's POV

Habang tinitingnan ko ang listahan ko ng mga utang kay Phillip... hihimatayin na ata ako...madami na as in...

Inuulan na nga ako ng text ng family ko...hindi para mangumusta ah...para manghingi ng sahod... Eh hindi nman nila ako amo...ang sinasabi nilang sahod yung sweldo ko sa amo ko...

Muntik ko na ngang sabihin na may nanghimasok na bala sa katawan ko kaso hindi nman sila maniniwala... iisipin nila alibi ko lang yun at ayaw ko talagang mgbigay ng pera...kuripot daw ako...

''Come in...it's open...'' Naks boses pa lang ni Phillip makakatanggal na ng strap ng bra...

Dahan dahan kong binuksan ang pinto... busy siya sa laptop niya... Grabe siya..mghapon na sa opisina... Bago matulog mgtatrabaho pa sa opisina niya dito sa bahay...

''Busy ka ba?...puedeng maka-istorbo?" Alanganin kong tanong..

''Bakit?" Nakayuko pa ring balik tanong niya

''Magaling na daw ako sabi ng doctor...kaya ko na ring kargahin si Paulie...''

Kumunot ang noo niya at tumingin sa akin...''what you're trying to say is?"

''Gusto ko ng mgtrabaho.... may mga nag-aalaga nman sa mga anak mo...baka isipin nila aagawan ko na sila ng trabaho...'' nakakakaba talaga kung makatitig si Phillip...

''Bakit?"usisa niya...

''I need money....'' Bigla kong nasabi... Well partly true nman...

''How much...bibigyan na lang kita...''agad agad niyang Sabi...

Umiling iling ako...''Ang haba na nga ng utang ko saiyo...''

''Hindi kita sinisingil.... Bakit mo inilista?"

Ayan na...nagsusungit na nman siya...''kahit na...gusto ko pagtrabahuhan ko yung ibabayad ko saiyo at ibibigay ko sa pamilya ko...''

Hindi siya tumugon... itinuon niya ulit ang atensiyon sa laptop... nakakaramdam din ako ng inis dito...

''Madali nman akong matuto... Sige na...'' Pakiusap ko...paawa effect pa...

''I'll think about it....''

''Hanggang kelan?... Boss ka nman...Bilis bilisan mo nman...please...''

My Mr.not So PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon