really????

8 0 0
                                    

A/n;

Life ...the most amazing gift we had from God...

Be careful with it.... we only .lived once...








Ray's POV

''Daddy look... Naglalakad na si baby...''

Tawa ng tawa si Paulie habang hawak ang dalawa niyang kamay ni JP.. Paatras si JP habang paabante si Paulie... lumingon nman si Phillip na ngbabasa ng dyaryo... maaga pa at masarap sa balat ang sikat ng araw...

''Careful son...baka madapa kayo pareho..'' Tumayo ito at lumapit sa mga bata...

Napangiti nman kami ni Mama Mercy... total weekend sa garden kami nagbreakfast.... parang mga hindi pa nakakatikim ng sinag ng araw ang dalawang bata...

''Ang saya nila ano?" Tanong sa akin ni Mama Mercy

Tumango ako...yung kasiyahang dapat naramdaman ko nung bata ako...sa kanila ko nakikita... parang kalahati ng feelings nila... sumasakop sa puso ko ngayon...

''Jena must be happy seeing them like that...having time together...''dugtong pa niya..

''Hindi na po kasi busy sa office si Phillip.... Iba na kasi ang sekretarya niya...'' Bulong ko sa kanya..

Natawa si Mama Mercy...''Tama ka...Gloria was highly recommended... At mukhang  sanay sa trabaho...''

Si Gloria ang bagong sekretarya ni Phillip... nasa early 40's na ito...napaka-slim at stricta ang dating... Parang si Miss. Tapia ...but she smile more often... If she wanted to...hindi kagaya ni Phillip... ni hindi ko pa nasilayan ang kapiraso niyang ngiti...

''Ma....''

Masayang tawag sa akin ni Paulie... paglingon ko eksakto nmang nadapa... bago pa ni isa sa amin makalapit... umatungal na...

''Ma......''iyak pa rin niya..

Binuhat siya ni Phillip at ibinigay sa akin... agad nmang pinunasan ni JP ang tuhod ng kapatid... buti na lang may naka-pajama pa ang bata at hindi nasubsob ang mukha...

''Tinulak ka ba ni daddy?" Kausap ko kay Paulie habang pinupunasan ang luha...

Yumakap lang sa akin si Paulie at ipinatong ang ulo sa balikat ko...nakita ko nmang ngtatakbuhan si Phillip at JP...

''Careful....baka madapa din kayo...''bilin ni Mama Mercy..

Iniupo ko sa lap ko si Paulie at iniharap ko sa dinadaanan paikot nina JP... tawa nman ito ng tawa... Hinahawakan kasi ni JP ang paa nito tuwing mapapadaan...

''Wait....pagod na ako...''hinawakan na ni Phillip ang kamay ni JP at naupo sila sa silya... nasa lap din niya ang bata..

My Mr.not So PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon