Chapter 4
Nagpatuloy kaming ganun hanggang sa dulo ng taon.
Hindi ata alam ni Chrissy at Shie. Hindi nang aasar e.
Ilang linggo bago magprom, nagsimula ng manghagilap ang mga tao ng date nila.
Wala talaga akong balak na sumali, pero lumapit si Frina.
"Blue!" tawag niya sa akin na parang close kami.
"Oh bakit?"
Ang lapad ng ngiti niya! Ano na naman kaya ang naisipan nito?
"Gusto ka raw maging partner ni Hallie!" masaya niyang balita.
S-si Hallie?! Gusto akong partner for prom? Gusto ko rin! Crush ko kaya yun. Nothing would make me happier than to be her date.
Ang ending, pumayag ako. Ang saya kaya na ang crush mo yung partner mo :> GV at KV ng wagas.
Kaso, may nakalimutan ako! Yung bestfriend ko nga palang si Jeremy e may crush kay Hallie. Hindi lang basta crush, in love talaga! Kaya kahit hindi niya sabihin sa akin, dama ko na nasasaktan si Jeremy.
At dahil mapagparaya naman ako at handang magsakripisyo ng sarili kong kaligayahan para sa kaligayahan ng iba kaya kahit masakit para sa akin, I turned down the offer.
Later, nalaman kong hindi rin sumali si Hallie! Edi kawawa pa din si Jeremy.
So ayun na nga. Hindi ko na itinuloy pa ang balak ko na sumali. Para saan pa di ba?! E hindi rin naman yung crush ko yung partner ko D:
Hanggang sa dumating ang araw para sa unang practice ng Cotillion. Ang totoo niyan, pinipilit pa rin ako na sumali ng mga kaklase ko. Niyaya na nga ako nung class muse namin na si Janice. Inayawan ko. Yung ina ng mga drum and lyre na si Sarah, nireject ko din. Yung Runner Up ng Bikini Open ng Bench na si Sica tinanggihan ko din. Laking galit siguro sa akin ng madla when I refused sa laging pambato ng school namin sa mga pageants na si Jelly. Even for Joey I had to say no.
Hoy! Hindi ako bakla 'no. Ayoko lang talaga. Hindi naman sa ayoko sa magaganda. Wala namang problema with them. Sa akin ang problema.. Tinamad na nga kasi ako kaya ayaw ko na! Hahahahaha.
Nung araw na yun, hindi ako lumabas sa room. Dun ako nagstay kasama ng mga kaklase ko na hindi rin daw sasali sa prom.
Dun kami lahat, naglalaro gamit ang laptop na dapat sana ay ginagamit namin na pang encode ng Thesis namin, pero hindi na nga nagamit kasi pinaglaruan na lang.
Okay, naglalaro nga kami sa room! Mula sa kung nasaan kami, rinig na rinig ang ingay mula sa Gym. Halos lahat ng Juniors at Seniors e nandoon. Lahat nga ng tropa ko nandun e! Ako lang naiwan sa room :')
Makakasurvive na sana ako sa level 12 pero nadistract ako!
Bakit?
Kasi dumating si Frina at hingal na hingal na lumapit sa akin.
Tumingin ako sa kanya.
Nagsalita siya,
"Blue! Gusto kitang partner sa prom!"
She bravely told me. Napatingin ako sa kanya. Actually, kaming lahat na nasa room.
Tapos ay nagsalita ang computer,
"GAME OVER"