Chapter 9
February 26, 2009
11:46 PM
“Shiela naman e! Ano ba ‘to? Hindi ko nga kasi maintindihan ang lyrics nitong kantang ‘to. Hindi ba pwedeng Parokya song na lang?” galit na pangaral ko sa kambal ko.
Shie rolled her eyes. “You want Frina to forgive you, right? Bakit ka nagrereklamo dyan? Sumunod ka na lang. Aralin mo yan. Shisus. Kadali-daling kanta. Oh sige Matutulog na ako. Ayokong mastress.” Tapos ay umalis na sya saka iniwan ako.
Lang ye.
Para na akong sira dito oh.
Kung makapag-isip naman kasi ‘tong si Shiela ng ipagagawa. Ang solusyon ng kapatid kong magaling? Haranahin si Frina with a Korean touch. What do I mean? Haharanahin ko si Frina. Ang gagamitin kong kanta? Marry U ng Super Junior.
Bading! Tingini lang. Ano ba?
Kanina pa ako dito pero hindi ko pa rin makanta ng maayos. Kanina ko pa pabalik-balik na pinapanood ang video nila. Syetings. Ayoko pa naman ng mga bading na koreanong ‘to. Pero ano bang magagawa ko? Kung ito lang naman ang paraan para mapatawad ako ni Frina. May CHOICE pa ba ako?!
Pffft.
The next day..
Prom na.
Nyeta. Hindi ako natulog kagabi para aralin ‘to. Sana naman mapatawad na nya ako. Sh.t. Frina SORRY!
Dahil napuyat nga ako..
Hinintay ko sya sa tapat ng bahay nila. Dito ko na lang gagawin para naman bago kami pumunta sa venue e bati na kami! Pero sobrang tagal ko na kasing naghihintay sa labas ng bahay nila, nag-aabang sa paglabas nya.. pero wala.
Ano kayang nangyari dun? Pupunta kaya yun?!
Hindi ko pa malalaman na wala na pala sya sa kanila kung di lumabas si Kuya Kevin.
“Kanina pa sya umalis ah. Hindi ba sya nagsabi sa’yo?”
“Hindi Kuya.”
Bullsyets. Kanina pa raw umalis? San yun dumaan? E kanina pa naman ako nandito! Frina naman e. Pahirap pa talaga.
Ang ending.. Late na akong dumating sa venue ng prom. Pagdating doon..
Pearl Sapphire Blue Garden
10:00 PM
Late na ako sa 7:30 PM assembly.
Nakatingin lahat ng chix pag pasok ko sa loob.
Syempre. Kasi nga, gwapo ako! Masisisi nyo ba sila?! Tsk.
Tapos may iniabot sa akin si Kuya Usher, a piece of rose.
“Ibigay mo sa date mo.” Sabi nya.
Flowers! F.ck Why did I forget to buy flowers for her?! Kinuha ko na lang yung inabot sa akin ni Kuya. Pagkagaling dun, agad kong hinanap si Frina.
I looked for her everywhere, but I couldn’t find even just a glimpse of her.
I tried looking for Shie and Chrissy too pero wala si Frina sa table nila. The two were with their dates. Ahh! Nasaan ka na ba Frina?
Naglakad ako palayo sa crowd. Sa maingay at magulong crowd. Wala naman si Frina dun e! Mukhang hindi na talaga sya pumunta.
Pumunta na lang ako sa tahimik na pavilion malapit lang. Maliwanag ang pavilion dahil sa mga ilaw na nilagay nila. May mangilan-ngilang magpartners ang naroroon. Hindi na ako pumunta sa mismong pavilion, ano naman kasing gagawin ko dun? Tsk.
