Chapter 2
Magkahawak ang kamay naming dalawa hanggang sa marating namin ang mga kasama namin. Ewan ko ba kung nakalimutan niya o talagang dama lang niya. Pero hindi na niya binitiwan pa ang kamay ko. Nang sobrang tagal na kaming magkaholding hands..
Hinila ko na ang kamay ko, “Teka..” sabi ko.
At kunwaring nilapag ang bag ko sa sahig.
“Sorry..” sabi niya sa akin.
“Tara..” yaya ko sa kanya papunta sa iba pa naming mga kagrupo.
At nag practice nga kami. Pero parang wala lang.. Hindi naman kasi kami dancer. Kaya parang naging laro na lang ang lahat.
Nakasurvive naman ako sa dance na iyon. Nyemas. Pinagod ako sa kakapaikot ikot ni Frina.
Nung hapon nung araw na yun.
Yung uwian na.. hinintay ko pa si Henson kasi ay kinokopya pa siya. Magcocomputer kasi kami pagtapos nun.
Dun ako banda sa pinto sa bandang likuran ng room. May ilang sophomore na naghihintay sa labas. Mga fans? Ewan. Pero ang concern ko talaga dito yung mga third year. Baka makita kasi ako ng mga junior, guluhin na naman ako. Ayoko masira ang pag-aaral ng mga batang yun kaya kahit ayoko ako na lang ang iiwas. Para rin ‘to sa kapakanan nila.
Nakasara yung pinto.. Nilalaro ko ang rubik’s cube na hiniram ko kay Jeremy ng marinig kong may nagsalita sa labas.
“May sasabihin nga ako!”
Boses ng babae.
“Ano nga?”
Boses ng lalake.
May nag-uusap sa likod? Hindi ko ugaling mag-eavesdrop pero ginawa ko kasi naging intersado ako. Wahahaha :D
“Pag sinabi ko wag kang magagalit?”
Teka. Parang si Frina yun ah! Tumayo ako at sinilip ko sila sa pinto na bahagyang nakabukas. At tama ako! Si Frina nga, kausap nya si.. HENSON?!
“Hindi mo pa nga nasasabi e! Bakit ako magagalit?!”
Napahawak ako sa door knob. Baka kasi bumukas bigla tapos malaman nila na nandun ako.
Pero teka.. Ano bang ginagawa nila?
“Ganito kasi yun..” sabi ni Frina. Yung mukha nya halatang nahihiya. “Matagal ko na ‘tong tinago.. Actually, kanina pa.”
“Ano nga?” patient na tanong ni Henson parang natatawa na rin.
“I Love You.” Sabi ni Frina.
Nyemas. I LOVE YOU? Sabi nya kay Henson, I LOVE YOU? Sa sobrang gulat ko bigla kong nahila yung door knob. Nabuksan yung pinto.
Gulat ang dalawa. Ako rin. Sh.t. Namumula pa si Henson. Bading!
Nung marealize ni Frina na nandun nga ako. “Waaaaaaaaaaaah.” Sigaw niya at natatarantang inilagay sa bulsa ng jacket na suot ni Henson ang nakafold na papel. Pagtapos nun, umalis na siya.
Both of us were both dumbfounded. Tama ba ang narinig ko?
Tumingin ako kay Henson na panay naman ang ngiti. Kinuha niya ang papel na inilagay ni Frina sa bulsa niya saka binasa. Ang lapad pa rin ng ngiti niya pagtapos niyang basahin. Nacurious tuloy ako sa nakasulat.
Napailing si Henson at ngumiti, “Sira talaga..”
“Anong meron?” tanong ko sa kanya. Inabot niya ang sulat ni Frina sa akin. Binasa ko..
Dear Henson,
Salamat sa iyong kooperasyon! Naappreciate ko naman. Alam ko kinilig ka. Ako rin naman.
Yun nga lang.. Hindi totoo na mahal kita. Kaya wag mong damhin.
Nagawa ko lang yun dahil sa pagmamahal ko sa banana cue.
Pero salamat talaga!
Sa uulitin :P
‘Frina
ANOOOOOOOOO?!
Nag- I Love You siya kay Henson para sa Banana Cue?
IMBA talaga :)
