HIS Side of Story #1

486 6 3
                                    

Chapter 1: Magpakilala Ka!

Kung makapili naman ng Chapter Title. Oo na. Magpapakilala na!

Hello!

Ako si Blue! :P

Andrei Miguel Perez.

Nagtataka ka kung bakit naging Blue 'no? Ganito kasi yan..

Nung bata ako.. May kaibigan akong saksakan ng bully. Lagi nya akong sinasaktan. Pero di naman ganun kasama. Tama lang siguro para maratay ako sa ospital ng ilang araw.

Hindi. Biro lang naman. Tamang pambubully lang ang ginagawa ni Chrissy sa akin noon. Pero minsan.. Sa sobrang kakulitan nya.. Habang naglalaro kami sa Garden nila. Nasagi nya yung paso ni Tita Delilah tapos nahulog yun sa paa ko. Nung nakita nya na hindi na ako gumagalaw bigla na lang syang tumakbo palayo. Sumisigaw.. “WAAAAAAAAA SORRY MIGGY!”

Tapos.. May batang lumapit sa akin.

“Bakit kulay BLUE ka?!”

Tapos nun.. Nahirapan na akong huminga. Nawalan ng malay at parang tuluyan ng bumagsak sa lupa.

Pagkagising ko nasa hospital na ako. Sa tabi ko yung batang huli kong nakausap at nakita bago ako nawalan ng malay. Oh di ba? Sya ang huling tao na nakita ko bago ako nawalan ng malay tapos sya unang nakita ko nung bumalik na kamalayan ko?!

“Ako si Frina!” bati nya sa akin. Feeling close sya. Hindi ko pa nga tinatanong kung sino sya e at saka kung anong ginagawa nya dun. “Buti gising ka na Blue.”

Hindi ko nga sya kilala e.

“Blue?!” tanong ko naman.

“Oo. Kasi kanina kulay Blue ka bago ka bumagsak sa lupa.”

Hindi ko nagets pero mula nun BLUE na ang tawag nya sa akin. Hindi lang sya, lahat ng tao sa amin. Pabinyag lang e.

Mula pagkabata, kasama ko na sya. Bestfriends? Ewan. Basta alam ko sila nina Shie (kambal ko), Chrissy (pusang alien na ubod ng bully kapit bahay namin at bestfriend ni Shie) at Frina ang lagi kong kalaro. Yep. Puro girls kasama ko noon. E kasi naman kami lang magkakaedad, tapos magkakalapit ang mga bahay kaya malamang lagi kaming magkakasama noon.

Sobrang close namin, lagi kaming magkakasama.. e napagkakamalan na rin akong babae noon. Kaya naman pati tatay ko inakala na lalaki akong BAKLA. Tuwang-tuwa naman nanay ko kasi mas maganda daw akong bihisan ng pambabae kesa kay Shie. Si Shie kasi saksakan ng arte. Ako GO lang! Kaya kung mapupunta ka man sa bahay namin.. Wag ka ng magtaka kung may makita kang cute na bata in girly clothes sa mga photo albums namin. Kasi kahit nakakahiyang aminin.. AKO po yun! Takte. Buti di ako natuluyan. Hahahaha :)

Sa aming apat, kay Frina ako pinakamalapit. Kasi sadista sya. Hahahaha J Nung bata ako, aminado naman ako na isa akong lampa. Oo na. Lampa nga ako. Lagi akong binubully ni Chrissy. Kahit magkaibigan kami binubully nya ako. Pero dahil mahina ako, wala akong magawa kaya naman kay Frina ako kumakapit. Hahahaha :D Si Frina ang nagtatanggol sa akin. E si Frina likas na bully.

LIKAS NA BULLY vs. HILAW NA BULLY

Natatalo nya si Chrissy. Kaya mula noon, pinangako ko na na hindi ko sya hihiwalayan. Hindi lang dahil sa may pakinabang ako sa pagiging bully nya.. Kundi dahil.. CRUSH KO SYA >//////<

Wah. Too gay.

Oo. Crush ko yung batang mataba na yun. Mataba kasi mas malaki sya sa akin ng konti. Hahahaha :D Crush ko yung batang sadista na yun. Kahit na minsan binubugbog nya ako.

Crush ko na nga kasi yung Frina na yun. Ewan ba. Ewan talaga. Pero crush lang naman yun. Saka slight lang..

Magkaklase kami mula elementary hanggang high school. Nung elementary, hindi kami mapaghiwalay na dalawa. Pero nawalan ako ng pag asa nung nalaman ko na crush pala nya si Paolo Vincent Yeo. F.ck. Hindi ko malilimutan ang pangalan na yan! Dati naming kapit-bahay at kalaro rin namin nina Chrissy. Actually, 5 kami dati. Ako, si Frina, Si Chriss, Si Shie, at yung kumag na Paolo na yun. Letsugas. Ilang taon kaming magkakasama hindi ko man lang nalaman na may gusto pala sya sa Ting-ting na yun! Nalaman ko na lang nung umalis si Paolo papunta sa New Zealand tapos sya ngawa ng ngawa akala mo naman namatay na si Paolo tapos..

Blue's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon