Chapter 25
Kung may isang bagay akong pag sisihan na nagawa ko sa buong buhay ko.. Yun e yung pagbibigay ko ng lecheng notebook na yon kay Frina. Pasensya naman. Martyr ang peg e.
Later that night..
Magkasama pa rin kami ni Frina. Kakatapos lang namin magbike. Ganitong oras namin ginagawa kasi gabi na nga, di na mainit tapos tumatambay kasi kami dun sa garden ng mga Yeo. Yung Villa nina Paolo Vincent “Patpating” Yeo.
Syet. Ang bitter ko hanggang ngayon. Haha
Dun kami tumatambay kasi nga mula nung naging magkaibigan na ulit kami dun kami nagsstargazing.
Going back to what I was saying.. Bale, kagagaling lang namin ni Frina don. Nagpahinga muna kami sa tapat ng gate nila, di muna sya pumasok.
“Uy.Bukas na yung birthday ni Tita Delilah.” Random ko na sabi. Kanina pa kasi kami tahimik, nakakahiya naman sa mga cricket kung sila lang ang mag iingay sa ganda ng gabi na ‘to. “Magbabarbecue daw tayo..” Dagdag ko pa. Pabida lang. Haha
“Ah.. Oo nga pala!” Parang ang lalim ng iniisip nya at saka lang nya naalala. “Pupunta kami nina Mama.”
*awkward silence, crickets singing mode*
Takte. Nauubusan na ako ng topic. Bakit ba ang tahimik nya ngayon?! Tsk. Hindi kaya chance na ‘to para sabihin ko na yung dapat kong sabihin? Paksyet naman o.
“Frina, I have something to tell you.”
Bigla kong nasabi. Napatingin si Frina sa akin pagkarinig sa mga salitang binitawan ko. Crap. Nandito na ako. Wala ng choice.
“Ano?” Sa mukha nya, halatang di sya affected pero sa mga mata nya excitement ang nakikita ko. Parang alam nya yung sasabihin ko. Wag ko na lang kaya sabihin? Hahaha. De joke lang. Uy baka kung ano isipin nyo a. Sa tagal kasi naming magkaibigan, namaster ko na rin ang pagbabasa ng expressions nya. Masyado kasi syang introvert, kahit na sobrang daldal nya. Hindi naman kasi lahat ng iniisip nya at nilalaman ng puso nya binobroadcast nya worldwide. Marunong din sya magtago. Kaya minsan hindi sya naiintindihan ng iba.
Huminga muna ako ng malalim, “Frina—“
Kaso pangalan nya pa lang ang nasasabi ko, pinigil na nya ako.
“Blue, teka.. Mukhang alam ko na ang sasabihin mo.”
Nyemas. Mukhang alam na nga nya. Ang tanga ko talaga. Pilit na lang ako ngumiti kasi baka isipin nya disappointed ako. “Alam mo na? Mabuti naman.. Hindi na ako mahihirapang mag explain.”
Hindi na ako mahihirapang mag explain. Mahihirapan naman akong tanggapin ito at mag move on.
“Alam mo Blue..” Tumayo pa sya para mas convincing. “Matagal na tayong magkaibigan..” Yung expression ng mukha nya, parang ang bigat sa loob nya ng susunod na sasabihin. “Kahit naadik ka sa paglalaro ng computer games nung high school at hindi tayo naging ganun kaclose at least we’re still friends.”
Teka.. Ba’t parang napalayo sya?
Parang maiiyak pa sya sa pagrereminisce ng bitter growing up years namin.
“Thankful nga ako kasi kahit inayakan lang kita e pumayag ka na maging promdate ko. Kahit alam ko naman na ayaw mo sumali kasi nga si Hallie ang gusto mo di ba?” Tumingala pa sya na parang pinipigil ang luha. “Napatawad na rin naman kita kahit one day before nun iniwan mo ako.”
Naalala nya pa rin pala.
“Hello? Kumanta ka kaya ng Marry U. Pati rap ni Eunhyuk at Kibum kinareer mo. Nappreciate ko yun wag kang mag-alala. At kahit hindi napagbigyan yung ALICEPER nung highschool okay lang.. Tapos ngayon close na naman tayo. Mula nung nagbreak kami ni.. kami ni Ramon, hindi ka nawala sa tabi ko. Pwede ka na ngang maging bodyguard. Ayaw mo na nga atang humiwalay sa akin 24/7?”