HIS Side of Story #20

145 3 0
                                    

Chapter 20  Waiting in Vain

Tapos. Maghapon na ako nag abang na bumalik si Frina. Nalinis ko na ata ang kasuluk-sulukan ng bahay nila hindi man lang sya nakauwi. Nung nagsawa na ako sa kahihintay, umuwi muna ako sa amin.

Hindi ko pa rin maintindihan. Bakit pumayag si Ramon sa kalokohan ni Frina. I mean.. Pwede naman nya yung tanggihan kung gugustuhin nya. Bakit pumayag sya? That does mean na may gusto rin sya kay Frina? Dafaq.

Paano kung ganun na nga? Paano kung ituloy-tuloy na nila lahat hanggang huli? Edi magiging forever alone na ako? Waa. Wag naman. Ano pa bang sense ng pagbabalik nya sa buhay ko kung sila ng Ramon na yun ang magkakatuluyan? Tss. Hindi 'to pwede. Kailangan ko na gumawa ng paraan.

Bumalik ako kina Frina. Pero nung malapit na ako, nakita ko sya na nagmamadaling lumabas sa kanila. May dali syang, canister kung di ako nagkakamali.

Sinundan ko sya.

Pumunta sya kila Chrissy.

Ano kayang sadya nya? She looked so worried.

After 3 hours O.O

Hindi ako umalis sa tapat ng bahay nina Chris. I waited for Frina to come out. And it took 3 eternities before she finally went out from Chrissy's house.

Sobra. Napapak na ako ng mga lamok.

"Blue? Anong ginagawa mo dito?!" tanong nya.

Napatayo naman ako saka pinagpagan ang shorts ko. "Uy.."

"Gabi na ah?" amused nyang tanong saka tumigil sa tapat ko.

"Ha?" teka. Anong pwedeng irason? Haha. Ang awkward naman kung sasabihin ko na 'Hinihintay kasi kita. Actually magtithree hours na ako dito.' I sound like a stalker. E mas malala naman siguro kung, ‘Hinihintay kasi kita. Actually magtithree hours na ko dito. Nilamok na nga ako sa kahihintay sa'yo. Nandito nga pala ako dahil may sasabihin ako. Pwde ba hiwalayan mo na si Ramon?' Rude. Mean. Bad Blue!

"Naflat yung gulong ng bike ko.." Pagdadahilan ko na lang.

"Ah. Ganun ba?" sagot nya saka napatingin sa bike ko, "Kanina ka pa dito?"

"Hindi naman.." Magtatatlong oras na.

Mukhang di naman naghihinala si Frina na nasundan ko sya.

"Uuwi ka na ba?" tanong ko.

"Oo e. Ikaw?"

"Pauwi na rin.." sagot ko sa kanya saka ko tinayo yung bike ko. "Sabay ka na. Bike tayo!" yaya ko pa.

"Oh. Akala ko ba may problema yang bike mo?" nagtataka nyang tanong sa akin.

Shoot. Oo nga pala. Sabi ko flat yung gulong.

"Ha? Ang ibig kong sabìin maglakad tayo kasama ng bike ko.."

"Oh sige!" she said enthusiastically.

Naglakad kami pauwi sa kanila.

The walk was great. Buti na lang dinahilan ko yung gulong ng bike. Blessing in disguise.

Okay na sana kami ni Frina. Nagtatawanan habang binabaybay ang daan pauwi sa mga bahay namin. Okay na talaga e. The night was too perfect. Pero bakit kailangan pang umepal ni Ramon?

Ayan. Malayo pa lang nakatingin na sya sa amin ng masama.

Tumigil kami sa paglalakad ni Frina nung tumakbo si Ramon papunta sa amin.

"Ramon.."

"Bakit kayo magkasama?" tanong lang nya. He glared at me. Napakachildish nya talaga. Sarap lang tumawa.

"Nagkasabay lang kami sa daan," I explained.

"Totoo yun?" he asked Frina this time.

"Oo." Frina nodded.

"Ah okay!" he was relieved. "Oh sige. Uwi ka na."

WOW. Kupal na 'to.

Syempre, para di rude ngumiti na lang ako. "Frina, una na ako." paalam ko. "Sige Ramon.."

At kahit ayoko pang umalis, napilitan ako. Wala naman akong choice e. Pero syempre, joke lang! Wahaha. Di talaga ako umuwi. Nagtago lang ako sa malapit para tignan kung ano ang gagawin nila. Mamaya mademonyo 'tong si Maraneta pagnasaan pa si Frina. Malamang di naman manlalabang 'tong isa kaya mabuti na rin na sa paligid lang ako. Just in case she needs her knight in shining bicycle.

Ayown na nga. Medyo malayo na rin ako sa kung nasaan sila kaya naman di ko na narinig pa mga pinag usapan nila. Then I saw Ramon placing an earphone in Frina's ear. He wore the other part. The next moment, they were dancing.

My heart cracked when I saw them looking so perfect with one another. My heart sank when I saw how happy Frina was that exact moment.

Then I realized. Maybe.. We weren't really meant to be. Maybe.. We were bound to be friends forever. Maybe..

They don't give second chances for cowards like me.

[Author's Noteeeeee]

Abangan ang nalalapit na pagtatapos ng kwento ni Blue.

-Nacha

Blue's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon