[A/N]
Ang mga susunod na mababasa ay bunga ng kacornyhan :>
Chapter 3
Matapos nun napabilib na talaga ako kay Frina. Sobra. Pero normal pa rin naman ang tingin ko sa kanya. Siya pa rin yung baliw na malakas ang tama na maingay na maldita na saksakan ang pagiging feelingera.
Isang araw sa Boy’s room.
Kakatapos lang nung PE namin ->
“Tol. Anong tingin mo kay Frina?!” tanong ni Henson.
“Kay Frina? Okay lang naman.” Sagot ko.
“Not bad right?”
“Oo.” Sagot ko ulit.
“Kung hindi lang siya sadista. Crush ko na sana siya..”
Nagulat ako sa sinabi ni Henson. Takte. Wag mong pagtitripan yung ulol ka! Pag yun nasaktan sasamain ka sa akin.
Pagbalik sa room..
Naabutan namin na nagkakagulo ang klase. Sabayan pa ni Frina ng mga sigaw niya.
“Anong meron?!” tanong ko kay Jeremy na naiwan naman sa room.
“Mag-sign ka dun!” turo ni Stephen sa papel na pinagpapasa-pasahan nila.
Nung nakuha ko yung papel, nagsign na rin ako. Hinanap ko si Henson para ibigay yung papel. Pero nakita ko siya, sa tabi ni Frina. Syet. Dumadamoves na?!
Ewan ba. Bigla akong nabadtrip. Nyeta. Dinediskartehan na ata ng gago si Frina.
Hindi ko na binigay pa yung attendance sheet o ano pa man yun. Tapos.. Nakita ko yung pangalan ni Frina. Tapos, may number niya. Never kong hiningi yung number ni Frina sa kambal ko dahil for sure.. Iba ang iisipin nun. Madumi yung mag-isip e!
Kinuha ko yung cellphone ko saka sinave yung number niya.
Kinagabihan, tinext ko siya. Ang tagal kong naghntay. Sa sobrang tagal e nakatulog na ako.
Kinaumagahan, binuksan ko ang cellphone ko. May message! At first time mula nung nagkaroon ako ng cellphone, naexcite ako sa pagbukas ng message! Pero lahat ng hopes ko nabasag nung mabasa ko ang reply niya na..
"Sino ka?"
Hindi nga pala ako nakapagpakilala. Ang BOBO KO! >.<
Pero okay lang! At least nagreply o.o
Hindi ko siya nareply agad kaya nung gabi na lang pag uwi ko. "Blue."
"Blue ^______^!" reply niya. Mula nung gabing yun.. Nagsimula na ang palitan namin ng text messages. Magkatext nga kami, hindi pa rin kami nagpapansinan pag magkaharap na kami -___-
[A/N]
ULIT? Hahahahahahaha
Ayan. Ayan Noname. Ayan ang gusto mo di ba? Oh sige. Ayan na. Ayan na ang update mo! Hahahahaha :>
