HIS Side of Story #10

196 4 2
                                    

Chapter 10

At kahit hindi niya nakuha ang Title na Prom Queen. She was still the most beautiful girl for me that night.

Yun nga lang.. Hindi ko man lang siya naisayaw. Kasi nga.. Pagkabalik sa loob, nag stay lang kami sa table namin. Then nagpaalam sya na pupunta sa Ladies’ Room. Pag-alis nya.. nagkaproblema dahil pinagpasa-pasahan na ako. Hinila na ako ng kung sinu-sino para magpapicture. Niyaya na ako ng mga girls na magsayaw. Nakalimutan ko tuloy na may naghihintay pa na babae sa table ko. Nakalimutan ko na may isasayaw pa ako. Nung bumalik ako sa table namin nung gabing yun. Wala na.. Wala na siya. Sabi ni Ken umuwi na daw. Nainip na siguro sa paghihintay. Takte.

Sana kasi di na ako pumayag pa na na makipagsayaw sa mga humila sa akin. Sana hindi ko na lang siya iniwan. Ayan. Umuwi na tuloy. Pati yung rose na binigay ko sa kanya hindi na nya nakuha ulit.. Pinaiwan kasi nya sa akin nung pumunta sya sa CR, then ayun hindi ko na naibalik pa. Shit. Ang slow kasi e.

Pagtapos ng Prom, hindi ko inasahan na magiging ganun kami sa isa’t-isa. Hindi ako alam kung anong nangyari pero bumalik sa dati ang lahat. Yung walang pansinan. Yung walang batian. Parang hindi tuloy kami magkakilala. Strangers ulit kami sa isa’t-isa.

Nahiya na rin naman akong lumapit pa. Hindi niya nga kasi ako pinapansin. kahit sa harap na niya ako.. Parang wala pa rin siyang nakikita. Baka nga may galit pa rin sya sa akin. Hindi na rin ako lumapit pa.

Isang araw..

Kakatapos lang ng CAT namin.. Pumunta ako sa Canteen para bumili ng drink. As usual, nagkagulo na naman ang mga babaeng dinaanan ko. Yung iba pangalan ko ang sinasabi,

"Si Kuya Andrei!"

"Miguel" *waves*

Yung iba naman.. AlicePer daw.

AlicePer.

Ayan. Yan nga pala ang tinawag ng mga pauso naming kaklase sa tandem namin ni Frina. Obsessed kasi si Frina sa Twilight tapos ayan.. Ginawan nila ng ganyan. Bakit hindi Edward at Bella? Ayaw ni Frina. Ayaw nyang tawaging Edward ang kung sino lang na lalake. Ewan. Masyado nyang mahal yung baklang yun. Hay.

Tapos ayun nga, naglalakad ako papunta sa canteen ng makita ko si Frina na parang umiiyak.

Nakaupo sya sa isang bench. Her hands were covering her face.

Hindi ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya.

“Frina, okay ka lang?!”

She raised her head and looked at me. Her eyes were swollen.

Damn. She was crying.

Who did this to her?

“Bakit ka umiiyak?” tanong ko. Takte. Her tears were like a dagger that rips my heart. I hate seeing her that way.

Yumuko lang siya. Nakita ko, may hawak siyang papel. Kinuha ko yun.

“Blue..” pagpigil niya.

Binasa ko.

Sulat yung galing sa stalker niyang mukhang binasted niya. Ang bitter ng stalker niya. Hindi ko alam kung bakit siya umiiyak dahil wala namang nakakaiyak sa sulat na iyon. Nagyayabang lang naman yung stalker niya na may girlfriend siya. Nagsasour grape ata.

“Hanggang pangarap ko na lang daw si Ramon..” umiiyak nyang sabi. “Blue. Ganun na ba kaimposible na maging boyfriend ko siya? Ganun na ba kalayo si Ramon sa akin?” dagdag pa niya.

Habang tinitignan ko siya, naghalo ang awa at inis ako bigla. Masyado siyang naapektuhan nung linya na yun sa sulat nung Stalker. Naaawa ako kasi masyado syang naapektuhan, she doesn’t deserve to be treated that way.

“Habang buhay na nga ba akong Forever Alone?! Wala na ba talagang magkakagusto sa akin.”

F.ck sh.t.

Gusto kong sabihin sa kanya na hindi. Na..  Hindi siya magiging forever alone habang buhay ako. Na nandito lang ako lagi.

 Na.. OO. Gusto ko siya.

(Teka. San galing yung sinabi ko? Waha. K. Nevermind!)

Pero wala akong nasabi ni isa sa mga bagay na gusto kong sabihin. Dahil hinila ko na lang siya, tapos ay tumakbo kami.

Blue's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon