HIS Side of Story #15

189 3 5
                                    

Chapter 15 

Binalikan ko sya within 15 minutes. Pagdating sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko para maghanap ng coat na pwede kong suotin, hindi naman ako nahirapan dahil na rin sa lahat naman ng suotin ko bumabagay sa akin. Sabi ko nga, gwapo kasi ako :D

Dinala ko yung family car namin kasama yung driver, para in case na gusto ng umuwi ni Shiela.. May maghahatid sa kanya. Parang wala lang akong balak umuwi pag tapos ng party 'no? Haha

Huminto ang sasakyan namin sa tapat ng bahay nina Frina, "Lemon, sakay na!" utos ko sa kanya.

"Lemon?" tanong nya, nakasalubong pa kilay.

"Eh dilaw na dilaw ka. Mukha kang Lemon.."

Promise. Lemon talaga sya sa paningin ko ngayon. Ewan ba kung bakit ganito.

So nakisabay na nga si Frina papunta sa venue. Sa loob ng sasakyan, tahimik lang sya at nakatanaw sa labas. Mukha syang okay pero ramdam ko that something was wrong. Di ba nga? Bestfriend ko 'to noon.

Parang ang lalim ng iniisip nya. Parang di ako. Wahahaha. Seryoso. Mukhang may bumabagabag sa kanya, may kinalaman kaya yun sa ilusyon nya na susunduin sya ni Ramon? Tsk. Kawawa naman si Frina. Kung may magagawa lang ako para di sya matuluyan sa kabaliwan nya.

When we reached the venue, crowded na ito. Tinolang Chrisanta. Mukhang inimbita lahat ng friends nya sa Facebook. Nakakita rin ako ng mga dati naming kaklase. Syempre pati na rin buong angkan nya.

Ano 'to? Meet up? Alumni Homecoming? Reunion?

Daig pa concert ng DBSK sa daming tao e.

Pumasok kami ni Frina sa mismong loob ng hall, sa likuran kami banda kasi nga mahirap makipagsiksikan. Tapos, bigla syang tumigil sa paglalakad.

Ano na naman kayang drama neto?

"Oh. Ba't ka napatigil?"

Lumingon sya sa paligid, "Yung heels ko.." bulong nya.

"Bakit?"

"Naputol ata." reklamo nya.

"Ha?" gulat kong tanong saka sinilip ang paa nya. Assuming. As if naman may nakita ako? Madilim kaya sa part na yun. "Ba't naputol?"

"Hindi ko alam, tanggalin mo.." utos nya.

Wow. Kung makautos. Sinuswelduhan ako? Haha

"Ako? Ayoko nga! Mamaya marumi pa yang paa mo!" biro ko sa kanya.

"Ang kapal neto. Bilisan mo nga!" galit pa sya nyan ha.

"E pag tinanggal ko yan sa paa mo paano ka na?"

"Ako na bahala. Tanggalin mo na lang. It's killing me!"

Ang kulit 'no? Demanding na bossy pa. Ewan ba kung anong nagustuhan ko dito.

"Oo na.. Mahal kong Lemon."

Lumuhod ako para sundin sya.

Narinig kaya nya yung sinabi ko? Oh baka nagloloading pa sa utak nya til now? Di nagrereact e.

"Anong sabi mo?" tanong nya. Tumingala ako at nakita ang mukha nyang gulat na gulat.

"May sinabi ba ako?" tanong ko ulit saka binalik ang tingin sa paa nya. Napangiti ako dun ah :D

Ready na sana ako. Okay na e. Tatanggalin ko na lang yung strap ng heels nya. E bigla na lang tumutok sa amin yung spotlight.

Nagsalita si Shiela. Alam ko si Shie yun. Hindi ko naintindihan yung sinabi nya, narinig ko na lang "Welcome Zafrina Therese Lee!" Kasunod nun ang nakakabinging hiyawan ng madla.

Blue's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon