Chapter Three

65 7 0
                                    

"Hey," isang tinig na nagmula sa likod ko kasabay nang pagpatong niya sa balikat ko. Lumingon ako at pumormang parang handa na siyang suntukin anong oras man dahil ikinagulat ko ang presensya niya.

"Ow, ow! Easy. Haha," sabi niya nang bahagyang napa-atras at nagulat sa ginawa ko. Hinawakan niya ang kamao ko at binaba iyon.

"Masyado kang agresibo. Mabuti 'yan.. " Sabi niya at sumabay sa paglalakad sa'kin. Patungo ako sa pang-huling klase ko.

"Bakit ngayong araw ka palang pumasok?" Hindi ko mapigilang magtanong sakanya. Ano bang masama dun? Well, may katiting na karapatan naman siguro ako dahil bukod sa schoolmate ko siya, roommate ko pa!

"Nakakatamad lang kasi pumasok. Puro introductions at madami pang inaasikaso," pagpapaliwanag niya. And I think, wala namang pagkakaiba ang ngayon sa kahapon. Magpapakilala at magpapakilala ka parin. May aasikasuhin at may aasikasuhin ka parin.

Hindi ko nalang siya pinansin at nauna nang maglakad papunta sa last subject ko. Hindi ko parin talaga ma-gets kung bakit napaka-misteryo niya sa paningin ko though normal naman siyang babae.

Nang makarating na ako sa tapat nang room ko ay binuksan ko na ang pinto at akmang isasara na iyon nang may pumigil sa'kin.

"Wait!" Sigaw niya habang nakaharang ang kamay niya sa pinto. Nagtaka ako at binuksan ang pinto.

"May kailangan ka--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang magsalita ang subject teacher ko.

"You two are just on time. Ms. Harven, Ms. Glavret, umupo na kayo para makapag-simula na tayo," sabi nang Subject teacher ko--namin pala. Tumango lang ako at alam kong ganun din ang ginawa nang katabi ko--Ms. Glavret nga.

Naghanap na ako nang mauupuan nang pasimple akong lumapit sakanya at binulungan siya.

"Hindi ko alam na magkaklasi pa tayo sa subject na 'to," bulong ko sakanya. Nag-pout lang siya pero hindi siya lumilingon.

"You didn't asked me naman," sabi niya at iniwan na ako para umupo sa bandang likuran at umupo naman ako sa gilid.

---

Malamig na simoy nang hangin ang dumadampi sa balat ko habang naka-upo ako sa Garden nang eskwelahan na ito.

Napagpasyahan ko kasing dito muna mamalagi pagkatapos nang Dinner dahil magpapahangin muna ako at hindi pa ako dinadalaw nang antok.

Nakaupo lang ako sa isang bench at habang nagsasoundtrip. Nang ilang minuto pa ay biglang humangin nang malakas kaya naman nagsitayuan ang balahibo ko.

Bigla akong kinabahan sa naramdaman ko kaya nilingon ko ang paligid kung may tao ba pero wala naman.

Napagpasyahan ko nalang tumayo at bumalik na sa kwarto ko.

Nang papasok na sana ako sa pinto nang kwarto ay may naramdaman akong tao sa likod ko.

Tahimik akong nagtago sa isang malapad na pader para tignan kung sino iyon pero tanging anino lang ang nakita ko.

Tumakbo ito papunta kung saan at naglaho na. Agad naman akong kinabahan dahil sa nakita ko. Multo kaya iyon?

Hindi ko nalang pinansin iyon at baka mahuli din naman nang mga guard kung sakali pero papasok palang ako sa pintuan nang biglang tumunog ang Emergency Signal.

Umalingawngaw ang ingay nito kaya ilang sandali lang ay nagsipag-gising na ang ibang mga studyante at nagsipaglabas.

Maya-maya pa ay nagpanic na ang lahat dahil hudyat na may nangyaring masama.

Agad naman napukaw ang atensyon ko sa pinto nang kwarto nang bumukas ito at iniluwa ang rommate ko nang mukhang kakagising palang ngunit mukhang kinakabahan.

The Case: Artieta High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon