"Aalis na kayo, Stephanie?" Tumango lang ako sa tanong nang Manager namin at naglakad na ako papunta sa direksyon ni Xyrex na naka-upo sa isang table."Stephanie, hatid na kita," bungad niya nang makalapit ako sakanya.
Inis na inis parin ako dahil sa ginawa niya kanina pero after n'un, napagpasyahan ko nalang na dumeretsyo sa Cafe para magtrabaho. Pumayag naman siya at hindi na nangulit since mas safe daw kung nandoon kami.
Tumango lang ako at nauna nang lumabas. Awkward lang talaga.
Agad na akong sumakay sa kotse niya at nang makasakay na siya ay pinaandar na niya ito.
"Tungkol kanina.." bahagya akong napabaling sakanya nang magsalita siya.
"I'm sorry talaga, Stephanie." I sighed.
Bakit ba ang hilig mag-sorry nang mga lalaki kapag ginagawa nila ang isang bagay na intensyon naman nila?
"You didn't mean it, did you?" Napatingin siya sa'kin nang tanungin ko iyon.
"I.. it just that.." Tama nga ako.
"I get it. Just shut up and drive."
Hindi niya nga intensyon 'yon. Pero bakit parang may mali. Noong sunday ay nagugulo na ang utak ko dahil kay Gab at ngayon sa lalaking ito?! Oh, come on.
Nang makarating na kami sa tapat nang school ay agad akong bumaba at hindi na hinihintay pa siya.
"Take care." Narinig ko pang sabi niya pero katulad nang dati, hindi na ako lumingon.
Habang naglalakad ako papunta sa room ko ay wala naman akong nakaramdam pa na sumusunod. Nang nasa tapat na ako nang pinto nang room ay akmang pipihit ko na ang door knob nang may marinig akong kaluskos mula sa puno.
May puno kasi sa tapat nang room na connected sa ilalim. Talagang malaki ito kaya imposible nalang na may tao pang makakaakyat nito. Pwera nalang..
"Where have you been?" Isang tinig na mula sa puno.
Sa una ay naguguluhan pa ako sa boses na 'yon. Kilala ko naman ang boses pero para imposible kung siya iyon.
Kalaunan ay mabilis siyang tumalon sa mula sa puno at naaninag ko na ang mukha niya dahil sa ilaw na nangagaling sa loob nang room.
Siya nga.
"May nagtangka nang buhay ko, Syrenia. May alam ka ba doon?" Naglakad lang siya sa palapit sa'kin. Hinawakan niya ang door knob at bubuksan pala ang pinto.
"Sa loob tayo mag-usap." Walang emosyong sabi nito. Napaka-layo talaga niya sa Syrenia na kilala ko.
Nang makapasok na kami ay umupo siya sa study table at ako naman sa kama.
"May nagtangka nang buhay mo?" Ulit niya sa tanong ko. Tumango lang ako.
"Bakit nila pinagtangkahan ang buhay ko? Dahil ba n'ung niligtas ko si Victoria? Sino ba sila?" Nanatiling nakatingin parin sa'kin si Syrenia gamit ang walang emosyong mukha niya.
"Hindi 'yon ang tanong dito, Stephanie. Ang tanong ay, sino ka ba talaga? Sino ka ba talaga at kung bakit kailangan ka nilang patayin?" Bahagya akong nagulat sa tanong ni Syrenia.
Sino ako?
"Alam kong konektado lang ito sa pagkamatay nina Rusty at Mika. Hindi ito na-iinvolve kung sino ako. Pumapatay sila ayon sa kung sino ang--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita siya.
"Hindi iyon. Maaring konektado ito sa pagkamatay nila pero hindi mo ba naisip kung bakit sila pinatay? Dahil may sekreto doon. Dahil may misteryo. Dahil may isang bagay sa likod nang 'yon. Ngayon, sino ka ba talaga Stephanie?!"

BINABASA MO ANG
The Case: Artieta High School
Misterio / Suspenso"I told you before. You just have to stay away from him and you'll be safe.." Tinignan ko siya nang masama pero nginisian niya lang ako at lumapit sakin. "Just like what I told you. I won't. I won't leave him." Matapang na sambit ko. "Do you reall...