Hanggang ngayon ay nakatulala parin ako sa bintana nang room ko. Hindi parin mawaglit sa isipan ko ang nakita ko. 'Yong pagkamatay ni Carlo Vinier.. 'yong ulo niya.. aish!I shoked my head and let my body collapased on my bed. Isinubsob ko lang ang ulo ko sa kamay at sinubukang kalimutan na 'yon. Mababaliw siguro ako kung hindi ko makakalimutan 'yon.
Maya-maya pa ay may tatlong magkakasunod na katok ang narinig ko mula sa pinto. Tinignan ko ang oras, 10:00 in the morning. Wala naman sana akong balak na pagbuksan pa iyon pero ito na mismo ang bumukas.
"I believe you're already awake," lumingon ako sa pinanggalingan nang tinig na 'yon at natagpuan nalang si Devon na may hawak na tray nang pagkain. Naglakad siya patungo sa study table ko at inilapag nalang ang tray na 'yon.
"Matagal-tagal na din simula nang umalis na si Syrenia. I still can't believe na nawala na siya. Noon, nag-iiwasan lang kami pero kahit papaano, nagkikita kami. Ngayon, talagang wala na siya." Umupo ako sa kama at tinignan ang tray na nakalapag sa study table ko. Bakit kailangan niyang banggitin ang taong wala na?
"Okay ka na ba? Ang sabi nang doctor, maaring mag-dulot daw nang trauma sa'yo ang nangyari pero.. sana hindi," tumango lang ako at tinignan siya sa mata.
"Bakit kayo nag-kahiwalay noon? I mean, bakit bigla nalang nawasak ang pagkakaibigan niyo?" Inaasahan kong wala siyang babanggitin na kahit ano sa'kin pero umupo siya sa upuan na tapat nang study table ko at sumandal doon.
"Isa sa mga rason kung bakit ako umiwas ay dahil kay Victoria. Pinagbawalan ako nang mga magulang niya dahil wala naman daw akong magandang maidudulot sakanya. Ang isa pa ay, gusto ko silang protektahang lahat. Gangster ako, alam mo iyon. May mga taong nagkakainterest sa mga kaibigan ko kaya kailangan ko silang protektahan.
Si Syrenia, nabanggit niya sa'king kailangan niya ding umalis noon dahil isa siyang agent. Secret agent ang tatay niya at gan'on din siya. Pero si Mr. Glavret ay umiiwas sa pang-sosyal na buhay. Dahil ayaw niyang mapahamak ang pamilya niya." Hanggang ngayon ay hindi parin nakakag-sink-in sa'kin ang lahat. Si Devon Gangster, Si Syrenia Agent. Si Gab.. President nang SC? Wow.
"Namatay sina Carlo Vinier, Mika Alumbre at Evan Enriquez dahil sa'kin... sa tingin mo ba kaya ko pang mabuhay?" Umiling siya at ngumiti.
"Hindi na. Pero kailangan mo. Namatay sila na tinatago ang katotohanan pero sinubukan kang iligtas. Sa tingin mo, magiging makatarungan ba kung hindi mo mapupuksa ang mga taong may gawa nito?"
Wala na akong maisip pero.. tama si Devon. Kailangan kong bigyan nang hustisya ang pagkamatay nang tatlong iyon. Namatay silang gustong iligtas ako kaya bibigyan ko sila nang hustisya. Pangako.
"Hindi ko iyon magagawa nang ako lang, Devon," pag-amin ko.
"Tutulungan ka namin, Stephanie. At isa pa, kailangan din naman malamin ni Victoria ang totoong siya, 'di ba?"
"Salamat." Sa ngayon, napanatag na ang loob ko. Kailangan kong magawa ito. Kailangan kong puksain ang mga taong nasa likod nito. Si Rusty, Mika, Evan, Carlo.. at baka isang araw.. ako na.
---
Nabanggit sa'kin ni Devon na inayos na ang krimen na 'yon at pinaghahanap na ang may gawa n'on. Ni-review lahat nang CCTV's pero blanko ang mga iyon sa oras na nangyari ang krimen. Nagkasundo narin kami nina Victoria na simulan na ang plano namin. Kailangan, mahanap na namin si Helga sa lalong madaling panahon.
Kaya nandito kami nina Victoria, Gab at Devon sa canteen at nag-uusap. Sinabi namin ang nalalaman namin para mas lalong mapadali ang lahat.
Habang nag-uusap kami ay napalingon kaming lahat sa entrance nang Canteen. Pumasok doon si Ms. Rosy na mukhang hindi mapakali.
BINABASA MO ANG
The Case: Artieta High School
Misteri / Thriller"I told you before. You just have to stay away from him and you'll be safe.." Tinignan ko siya nang masama pero nginisian niya lang ako at lumapit sakin. "Just like what I told you. I won't. I won't leave him." Matapang na sambit ko. "Do you reall...