"Stephanie, what's wrong?" Nabigla ako nang nasa harap ko na pala si Kuya. Hindi ko namalayang dumating na pala siya.
"Namumutla ka. What happened?" Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang mukha ko.
Hinawi ko naman ang kamay niya at ngumiti nang pilit. I don't want to tell my brother about that.
"Ah, wala, Kuya. Maybe.. pagod lang ako." Pagsisinungaling ko. Mukhang naniwala naman siya at tumango nalang.
"You know, ayokong pahirapan ka at gawin ang bagay na iyon pero alam mo naman na ayokong na-i-involve ka sa gulo, right? Hope you understand." Pagpapaliwanag niya. He must be talking about my allowance.
Tumango nalang ako at naglakad na.
"I'll go ahead, Kuya. Goodnight." Sabi ko at tumango lang siya.
---
"Ano ba, Stephanie? Sasamahan mo ba akong mag-shopping?" Tumango lang ako sa tanong ni Mama at inihagis na ang phone ko sa kama.
"Nga pala, kumusta naman ang pag-aaral mo sa Artieta? Boring parin ba katulad nang dati?" Tanong ulit ni Mama.
Ngumiti lang ako. Alam kasi ni Mama na hate ko 'yun at parati kong sinasabing boring pero.. dati 'yun. I find it cool now.
"Yeah. Still the same feeling but I'm enjoying it now," makahulugang sabi ko sakanya. Kung alam niya lang sigurong muntik na akong mamatay ay noon palang, pinaalis na niya ako sa school na 'yon.
Maya-maya ay biglang kumatok si Kuya. Sinama kasi siya ni Mama sa pag-sha-shopping dahil daw bonding na namin ulit 'yun. Syempre, pumayag si kuya. Hindi naman siya makakatanggi kay Mama.
"Ma, let's go?" Tumingin siya kay Mama pagkatapos sa akin.
Bumaba na kami at sumakay na sa sasakyan ni Kuya. I'm wearing a yellow dress na pinasuot ni Mama. Sabi kasi niya, nagmumukha daw akong prinsesa kapag nag-gaganitong suot. Tama naman siya. Prinsesa naman ako. But I don't wear a crown like princesses do. I'm holding a sword.
Nang makarating na kami sa Mall ay dumiretsyo kaagad si Mama sa store nang mga alahas. She really likes accesories.
Namimili lang si Mama habang kami ni Kuya ay sumusunod lang. Minsan, nag-iinsist pa si Mama na bilhan kami ni Kuya but like we always do, we keep on resisting it. Hindi kami 'yung tipong magkapatid na mahilig sa mga ganyan.
"Alam mo ba, Anak, nakipag-meet ako kay Tita Glenn mo noong isang araw. Hindi ko pala alam na kasama niya 'yung anak niya. Si Morixe. Hala, napakagandang bata noon. Nagsisisi nga ako kung bakit ngayon lang pinakilala nang Tita Glenn mo 'yun.." pagkukwento ni Mama habang kumakain kami sa isang Restaurant.
"At alam mo, Fritz, nabanggit ka niya sa'kin. Sabi niya, nakita ka niya daw noon. And guess what, your so attractive daw." Muntik na akong mabulunan sa sinabi ni Mama at ganun din si Kuya. Sa pagkakaalam ko, hindi mahilig si Kuya sa mga babae. He never brought anyone at house kaya. And base kay Theo, wala naman daw siya nililigawan. Bestfriend sila ni Theo kaya malamang, wala nga.
"Ma.. nirereto mo ba si Kuya sa Kotix na 'yon?"
"It's Morixe. Wala naman masama kung sakali, 'di ba, Anak?" Tumingin siya kay Kuya pero napaka-dilim lang nang aura ni Kuya. See?
"No chance, 'di ba, Kuya?"
"Yeah. At wala akong naalalang nagkita na kami dati," pag-sang-ayon naman ni Kuya.
"Napaka-suplado naman nang binata ko. Manang-mana ka talaga sa Papa mo." Napatingin ako kay Mama nang banggitin niya si Papa.
"Si Papa, Ma?" Paninigurado ko.

BINABASA MO ANG
The Case: Artieta High School
Mystery / Thriller"I told you before. You just have to stay away from him and you'll be safe.." Tinignan ko siya nang masama pero nginisian niya lang ako at lumapit sakin. "Just like what I told you. I won't. I won't leave him." Matapang na sambit ko. "Do you reall...