Chapter Ten

29 4 0
                                    


One week has past. Mabilis naman ang pangyayari. Nasasanay narin ako sa presensya ni Xyrex sa trabaho. Si Devon naman, simula nang pagpunta niya sa Cafe ay naging busy nadin siya. Gangster siya, eh. Baka maraming Gang fights.

Patungo ako ngayon sa Canteen dahil Break na. Na-miss ko ang Burger, ha. Matagal-tagal din noong last akong kumain noon. Kahapon, ata. Oo. Kahapon. Pagkapasok ko sa Canteen ay nakatingin silang lahat sa'kin na parang may nagawa akong kasalanan.

Binigyan ko lang sila nang poker face at naglakad na papunta sa Counter. Nag-order ako nang Burger, fries at Soda. Habang naglalakad ako ay natanaw ko si Syrenia na nag-we-wave sa'kin. Nagkunot-noo lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad pero biglang may umakbay sa'kin at hinila ako sa direksiyon ni Syrenia.

Inis na iniangat ko ang mukha ko para tignan kung sino ang mapangahas na kalad-karin ako. Tss. Si Devon. Himala, ah. Nandito 'to.

"Bitawan mo nga ako, gangster!" Asik ko pero mahina lang 'yung pang-huli. Baka hindi pa alam nang mga tao ang identity nitong lalakeng 'to. Hindi lang siya nagsalita at dinala na nga ako sa table nila. Nila.

"What's up, Tep?!" Masiglang bati ni Syrenia sa'kin pero inirapan ko lang siya at dumako naman ang tingin ko kay Gab na nakaupo katabi ni.. Victoria na masamang nakatingin sa'kin.

"Ano, magtitigan nalang ba tayo?" Basag ni Syrenia sa katahimikan. Agad ko namang itinanggal ang pagkaka-akbay ni Devon at umupo na. Bahala sila magtitigan. Basta ako, kakain nalang ako. Ilang sandali pa ay naramdaman ko naring umupo sa tabi ko si Devon. At dahil doon, lalo pang sumama ang tingin ni Victoria sa'kin.

"I almost forgot. Congratulation for being part of the Varsity Team, Devon. I always knew that you'll make it," napatingin ako kay Victoria na nakataingin din kay Devon. Part na si Devon nang Varsity Team? Ba't hindi ko alam 'yun. Aish. Hindi ko naman dapat malaman, eh. Ano ba pakealam ko?

Tinignan ko si Devon at saktong napatingin din siya sa gawi ko. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

"Talaga, Devon? Wow, ha. Bumalik ka na nga. Angsabi mo hindi ka na babalik dun.. 'di bale, magaling ka naman, eh,"

"Actually, Syrenia, tinulungan siya ni Gab. Right, Gab?"

"Your wrong. Hindi ako tumanggap nang kahit na anong tulong mula sakanya. And besides, kaya kong makapasok doon nang ako lang," pagtanggi ni Devon sa sinabi ni Victoria kaya napatahimik silang lahat.

"Varsity ka pala?" Bigla kong natanong kay Gab na katapat ko.

"Yeah. Actually, ako ang Captain--"

"Hindi halata," boring ko sabi. Way lang iyon para mainis siya. Lumaki kasi ang ulo. Mukha naman siyang nainis kaya nginisian ko lang siya.

Muli, nanahimik na naman ang paligid. Mas mabuti. Kapag kasi nagkakausap kaming lahat, kulang nalang, magmurahan na kami. Kaya mas maganda nang manahimik.

"Good morning, students! Sorry to interupt pero may mahalaga lang kasing panauhin ang gustong kumausap kay Ms. Marquez," napatingin kami sa nagsalita. Si Ms. Rosy. Tss. Bakit nandito 'to?

Bigla naman tumayo si Victoria kaya napatayo narin sina Gab at Syrenia. Pagkatapos noon ay si Devon naman. Halatang gulat sila sa nakita. Hindi ko naman alam ang nakikita nila kasi nakatalikod ako sa kanila. Kaya napalingon nalang ako at nakakita nang dalawang matandang mukhang mag-asawa. Naka-business suit 'yung lalaki at naka-dress naman 'yung babae. Halata naman na galing sila sa mayamang pamilya dahil sa tindig at sa.. mukha din. Mukhang masungit sila, eh.

"Papa.." bigkas ni Victoria habang nakatingin sa mag-asawa. Papa? Kaya pala ganyan nalang ang mukha nila. Papa niya pala.

"Hindi ko inexpect ang ganitong eksena, Victoria," sabi nang Mama niya at napatingin sa gawi ni Devon. Matalim na tingin ang itinapon niya kaya bahagyang napa-yuko si Devon. Ano'ng ibig-sabihin 'nun?

The Case: Artieta High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon