"Aalis na ako," walang emosyong pagpapaalam ko kina Mama kasabay nang sulyap ko kay Kuya Fritz na ngayon ay may kausap sa phone niya.
Tinignan ko lang si Mama at ginantihan niya lang ako nang ngiti at haplos sa buhok ko.
Ayokong maghintay pa pero kailangan kong hinantayin si Kuya dahil sinabi niyang siya ang maghahatid sa'kin na kahit gusto ko man tutulan, hindi ko na ginawa.
May kausap parin siya sa Phone niya at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila kung sino man ang kausap niya.
"Hindi ka ba masaya, Anak?" Tumingin ako kay Mama. Masaya? Bukod sa konting kaba dahil papasukan ko ang bago kong eskwelahan ay wala na. Wala na akong nararamdamang saya sa nangyayari.
"Mas magiging masaya po ako kung hindi niyo lang ako nilipat," walang emosyong sagot ko. Nakakakita ako nang pagkagulat sa mga mata ni Mama. Pero hindi ko nalang iyon pinansin at ibinaling kay Kuya ang tingin ko.
"Siguraduhin niyong maayos ang lahat. Oo, sige," yun ang mga pagsagot niya sa kausap niya sa phone niya at sa wakas, natapos na ang tawag.
Tumingin siya sa'min ni Mama nang walang emosyon. Lumapit siya sa'min at sinenyasan niya akong pumasok na sa kotse niya.
"Aalis na kami, Ma. Hindi ako makakauwi nang maaga dahil may kailangan pa akong asikasuhin," pagpapaalam niya kay Mama pagkatapos ay hinagkan ito. Ginawa ko rin iyon at nagpaalam na kay Mama.
Pumasok na ako sa kotse ni Kuya at ganun din siya. Pinaandar na niya ang engine at nagsimula nang tahakin ang daan papunta sa bago kong eskwelahan.
Nang sandali pa ay makarating na kami sa tapat nang sinasabi nilang Artieta High school ay agad akong bumaba.
"Mag-ingat ka, Stephanie. Hanggat maari, umiwas ka sa gulo," paalala ni Kuya nang makababa na ako. Tumango lang ako sakanya at nagsimula na niyang pinaandar ang sasakyan niya.
Pumasok na ako sa eskwelahang ito at talagang namangha ako sa laki nito.
Tatlong naglalakihang building ang nakatayo sa loob nang eskwelahan at alam kong ang nasa gitna ang Main. Hindi ko lang alam kung saan ang Girls' domitory at Boys' dormitory sa dalawa.
Napagdesisyunan kong, bawat sunday ay umuwi ako sa bahay. Ayokong maburo sa loob nang dormitory at gusto kong makasama si Mama dahil alam kong wala naman siyang kasama sa bahay.
Naglakad lang ako hanggang sa mahanap ko ang Principal's Office. Kukunin ko muna ang dapat kunin at isa pa, hindi ko pa alam kung saang kwarto ang tutuluyan ko.
"Ikaw siguro 'yung transferee. At dahil nandito ka na rin, ako na ang maghahatid sa room mo. Ikaw nga pala si..?" Bumungad ang isang matandang siguro ay nasa 40's na.
"Stephanie Harven," pagtukoy ko sa pangalan ko. Nginitian niya lang ako at sinundan ko na siyang maglakad na siguro, papunta sa kwarto ko.
Tumigil kami sa sixth floor at sa tapat nang isang kwarto na wala ka man maririnig na ingay. Kumpara kasi sa katabing kwarto nito na maririnig mo ang mga babaeng nagtatawanan, nagkukwentuhan. Pero ang isang ito, tahimik lang.
BINABASA MO ANG
The Case: Artieta High School
Mister / Thriller"I told you before. You just have to stay away from him and you'll be safe.." Tinignan ko siya nang masama pero nginisian niya lang ako at lumapit sakin. "Just like what I told you. I won't. I won't leave him." Matapang na sambit ko. "Do you reall...