"Good morning!" Masayang bati ni Syrenia kahit malayo palang siya sa'kin. Nag-poker face lang ako at tinignan siyang papalapit saakin."What's good in the morning, Syrenia?" Masungit na tanong ko sakanya. She just looked at me and smiled. A very energetic girl.
"Well.. besides sa okay na si Victoria, wala na!"
"At ano naman ang pakealam ko sa babaeng 'yon? Kung alam mo lang kung paano niya i-bully ang isang nerd noong first day of classes. Oh, I remember! Hindi ka pala pumasok that time." Patuloy parin kami sa paglakad patungo sa first subject namin.
Maaga talaga akong nagising ngayon which is unusual. Maybe iniisip nang isip ko na kailangan ko pang maghanda nang paliwanag kina Mama about sa pagtakas ko sa Detention room at sa kung paano ba ako napunta doon in the first place! God!
"Maybe there's a reason for that," tanging nasabi niya.
"At kung anuman iyon, sinisigurado kong hindi parin sapat para mambully siya." Hindi ko parin talaga ma-gets kung bakit ang isang Syrenia na masiyahin at mabait ay naging kaibigan si Victoria na isang aroganteng babaeng nanakit nalang-- well, siguro may dahilan pero napaka-pathetic naman.
Nabigla ako nang makita kong papalapit si Ms. Rosy sa gawi namin.
"Ms. Harven, tamang-tama ka lang. Kasi kararating lang nang Mama mo. And guess what? You brother's here, too." Her mouth curved into a ironic smile.
"Go ahead, Syrenia," sabi ko at naglakad na pero naramdaman ko ang kamay ni Syrenia na pumigil sa'kin.
"I'm coming with you," she said at nauna nang maglakad. Nagbuntong hininga nalang ako at sumunod na din sakanila.
---
"Stephanie! Baby, I missed you," bungad ni Mama nang pagkapasok ko palang sa Principal's office.
Nagsalubong ang tingin namin ni Gab na ngayon ay nakaupo katapat si Kuya. I wonder kung nasa'n na ba ang parents niya dahil sa pagkakaalam ko, pinatawag din ang mga ito. Tinignan ko rin si Kuya na seryosong nakatingin lang sa amin ni Mama. Kung kanino man ako matakot ay kay Kuya na iyon. He's so damn scary. As always.
"Ms. Harven, you can sit now," sabi ni Ms. Rosy dahil siya muna ang mag-aassits nang lahat dahil wala naman ang Principal.
"As I've said before, Mrs. Harven. Tumakas ang anak niyo sa Detention room at nandito kayo para ipaalam sainyo iyon. We will tolerate this but please, Ms. Harven, promise me that it'll never happened again." Pagpapaliwanag ni Ms. Rosy.
Nanatili namang nakaupo lang si Syrenia sa tabi ko na tabi ni Gab na katapat ni Kuya na katabi ni Mama na katapat ko.
"Why did you do that, Stephanie? Bakit ka tumakas sa Detention room at bakit ka ba napunta doon, anyway?" Pang-uusisa ni Mama. Ito na nga ba ang sinasabi ko. I have prepared for this pero hopefully, hindi makialam si Ms. Rosy.
"Well.. I.. Uh.. just.. slept during my class," palusot ko na sana lumusot naman.
"At ano naman ang kinalaman niya sa pagtulog mo sa loob nang klase mo? Did he bothered you?" Napatingin ako kay Kuya Fritz nang magsalita siya. I know he's referring to Gab.
Napatingin naman ako kay Ms. Rosy na pinapakiusapan na sana saluhin niya ako.
"Uh, sa totoo niyan, Mr. Harven and Mrs. Harven, magkasama silang na-late sa klase nila. They were.. were.. having a Group meeting aside from our Principal and a PD--" I knew what Ms. Rosy was going to tell kaya bago pa man lumaki ang problema ay inapula ko na.
"Actually, you were wrong. I bumped into him and accidentally, my books fell. So, he helped me. Didn't know that we're late that time," paliwanag ko na mukhang pumasa naman. Agad ko namang tinignan si Ms. Rosy at pinandilatan siya. Muntik na ako dun.

BINABASA MO ANG
The Case: Artieta High School
Misterio / Suspenso"I told you before. You just have to stay away from him and you'll be safe.." Tinignan ko siya nang masama pero nginisian niya lang ako at lumapit sakin. "Just like what I told you. I won't. I won't leave him." Matapang na sambit ko. "Do you reall...