Kinabukasan ay naging maayos naman ang lahat kahit may krimen pang nangyari. Hindi na pumayag pa ang Principal na pa-imbestiga ang krimen dahil baka isang away lang ang dahilan nito. Pero hindi parin ako sang-ayon sa mga nangyari. Paano nilang kinayanan na i-ignore lang ang ganun klaseng krimen? Buhay ang nawala ganun-ganun nalang iyon?
Kinontak narin ang mga magulang nang biktima at sa ngayon ay naka-burol na ito. So far, normal naman ang takbo nang lahat. Tatlong subject sa umaga, pagkatapos ay break.
Naglalakad ako ngayon papunta sa Cafeteria nang makita ko 'yung babaeng nakasagutan ko nung isang araw. Nakita kong mag-isa lang siyang naglalakad pero nabigla ako nang may kasama pala siya.
Nakatalikod sila sa'kin kaya hindi ko masyado mamukhaan kung sino 'yun. At isa pa, wala naman akong pake pa.
Naglakad na ako patungo sa Cafeteria pero napatigil ako nang marinig kong magsalita si Victoria. Oo, Victoria nga pala ang pangalan niya. Narinig ko lang sa tabi-tabi dahil pinag-uusapan lagi siya.
"I missed you! Ang tagal na nating hindi nagkakausap nang tayo-tayo lang, ah. Naging busy ka kasi masyado," rinig kong sabi ni Victoria habang nakatingin kay Devon. Naka-poker face lang si Devon at hindi nagsasalita.
"Sorry nga pala sa ginawa ni Gab. Alam kong--" hindi na natuloy ni Victoria ang sasabihin niya nang bigla nalang nagsalita si Devon.
"Sa tingin ko, kailangan ko nang mauna. Sige, alis na ako," sabi niya at naglakad na paalis pero pinigilan siya ni Victoria sa pamamagitan nang Backhug. Ang keso lang nila.
Hindi ko alam na may relasyon sila, ah. Sabagay, love triangle nga pala sila nung isa. Bagay sakanya at hindi siya ang gusto nitong babaeng 'to.
"Devon.. please. Bakit ka ba nagkakaganito? Bakit ka ba nagbago bigla? May kulang ba sa'kin? Sabihin mo, please," pagsusumamo ni Victoria habang nakayakap parin kay Devon.
Sa ngayon, umiiyak na si Victoria pero poker face parin ang mukha niya. What's with him? Ang manhid niya lang masyado.
"Victoria, wala. Let's just accept na wala na," sagot niya at tinanggal ang pagkakayakap ni Victoria.
Naglakad na palayo si Devon pero nabigla ako nang tumingin siya sa direksyon ko. Oh, my! Nakita niya ako.
Tatakbo sana ako paalis pero huli na pala ang lahat. Naka-hawak na siya sa braso ko.
"Ano'ng narinig mo?"
"Wala! May dapat ba? I mean, dadaan palang ako--"
"H'wag ka na magsinungaling pa. Ano ang narinig mo?" Biglang sumama ang tingin niya at naging malamig ang boses niya.
"Lahat. Lahat nang 'yun. Oh, masaya ka na? Now, what?" Mataray na tanong ko sakanya. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Teka, nangyari na 'to, ah. Ibang sitwasyon nga lang.
"Manahimik ka nalang," sabi niya at tumalikod na. Nainis ako sa sinabi niya kaya may naisip akong kalokohan para magamit ang nalaman ko. Humanda ka, Demon-- este Devon.
"Ayoko. Kung tutuusin, kaya ko pang ipagkalat 'yon," matapang na sabi ko at nag-crossed arms. Hindi man lang siyang tumigil, lumingon o nagsalita lamang.
"Pagsasabi ko talaga iyon," pag-uulit ko. Pero this time, humarap na siya ulit.
"Kaya kong gumawa nang isang dahilan at pwede ko ring sabihin na isa kalang sa mga haters ni Victoria kaya nagkataon na gumawa ka nang bagay na makakasira sakanya," aniya.
"Pwes, kahit kay Gab?" Pagsusupla ko sakanya kaya napatigil siya at tumingin nang deretsyo sa mata ko.
"Ano bang kahibangan ito?"
BINABASA MO ANG
The Case: Artieta High School
Mystery / Thriller"I told you before. You just have to stay away from him and you'll be safe.." Tinignan ko siya nang masama pero nginisian niya lang ako at lumapit sakin. "Just like what I told you. I won't. I won't leave him." Matapang na sambit ko. "Do you reall...