Chapter Twenty- Nine

48 4 0
                                    


"Hindi ko alam ang dahilan kung bakit kailangan nila kayong patayin pero.. may naalala akong taong pwedeng maging likod nang mga ito."

Sa haba din nang pag-ku-kwentuhan namin ay kinuwento namin ang lahat. Sa mga pagtatangka nang buhay, pag-kidnap at mga krimen sa loob nang school.

Ayon sakanya, wala naman daw siyang alam tungkol doon.

"Ano iyon, Aling Helga?" Tumingin siya pareho sa'min at huminga nang malalim.

"Si Redrigo. Marahil ay gulong-gulo siya sa nangyari sa matalik niyang kaibigan na si Samuel at kaya wala siyang ma-alam na gawa nito."

"Redrigo?"

Akmang magsasalita pa sana si Aling Helga nang biglang may ingay na nagmula sa labas ang umagaw sa atensyon namin. Agad kaming napatayo at nag-masid mula sa bintana na konektado sa labas.

"Nasa'n sila?! Ilabas niyo sila?!"

Mula sa labas ay nakarinig kami nang ingay kaya agad kaming nagtungo sa labas para tignan iyon. Nadatnan namin si Mang Levi--kapatid ni Aling Helga na kaharap ang isang lalaking mukhang nakita ko na noon.

Siya ang nagtangka nang buhay ko sa banyo noon na nakita kong kausap ni Carlo Vinier. Nang mapansin niya kami ay agad siyang tumingin nang matalas sa'min at bigla nalang tinulak si Mang Levi na dahilan para mapahiga ito sa lupa.

"Levi! H'wag niyo sasaktan ang kapatid ko! Maawa kayo!" Pakiusap ni Aling Helga at lumapit sa kapatid niyang nakahiga sa lupa.

"Sa wakas at nahanap ko na din kayo. At aba! Dalawa pa kayong target ko ang magkasama! Mukhang matutuwa si Boss dito, ah!" Humakbang siya papalapit sa'min at awtomatiko naman kaming napa-atras ni Victoria.

"H'wag kang lalapit! Kundi.."

"Kundi ano? Wala nang magtatanggol pa sainyo. Wala na ang dalawang ulupong na kaibigan niyo dahil nadakip na namin sila. At kayo naman ang susunod!" Lalapit na sana siya sa'min nang biglang may nilalang na nanggaling nalang sa itaas ang sumipa sakanya dahilan para matumba siya.

Agad naman akong napalingon sa nilalang na iyon at ikinabigla ko ang nakita ko. Siya..

"Medyo nahuli ba ako?" Nakangising tanong niya at kinindatan pa ako.

"Xyrex.."

"Teka lang, huh? Pababagsakin ko muna ang mga ulupong na 'to!" Awtomatikong napatango nalang ako at naglakad naman siya papalapit sa mga lalaking kasama n'ong isa kanina.

Mabilis niyang napatumba ang mga iyon at hindi ko man lang alam kung paano. Basta't ang alam ko ay napaka-galing niya. Mukha siyang action star na mahusay sa pakikipag-laban.

Nang mapatumba na niya ang mga kalaban ay agad siyang lumapit sa'kin at ngumiti.

"Xyrex.. bumalik ka!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko't yakapin siya.

Parang bulang nawala nalang ang galit ko sakanya dahil niligtas niya ako.

"Syempre naman! Ako pa. Pero alam mo, mas mabuting umalis na tayo dito," sumang-ayon naman ako sakanya at agad na nilapitan si Mang Levi at Aling Helga.

"Maraming salamat po, Mang Levi at Aling Helga. Kundi dahil sainyo, hindi sana namin alam ang totoo. Maraming salamat po talaga." Pagpapasalamat ko at tumango lamang sila.

"Mag-ingat kayo."

Agad na kaming umalis sa lugar na iyon at nagtungo pabalik sa lugar namin. Marami pa kaming kailangan gawin.

Gamit ang sasakyan nang mga ulupong kanina ay nakasakay na kami at pabalik na doon.

"Bakit ka bumalik? Hindi ba't ikaw ang dapat pumatay sa'kin?" Isisa ko kay Xyrex na ngayon ay nag-da-drive.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Case: Artieta High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon