Chapter Eighteen

29 4 1
                                    


"Nasaan siya, Manager Shera?" Agad kong bungad pagkapasok ko palang sa Cafe.

"Nandoon siya, Stephanie," agad niyang tinuro ang table kung nasaan si Ms. Yoo.

Agad akong lumapit sakanya at nadatnan siyang nag-kakape. Napatingin siya sa'kin nang makita niya akong nakatayo sa harap niya.

"Ms. Yoo, I believe." Sabi ko at inilahad ang kamay ko para magpakilala.

"Actually, Yoo Jin. Isa akong inbestigador," she chuckled at tinanggap na ang nakalahad kong kamay.

"I'm Stephanie Harven. Nice meeting you, Ms. Yoo. May.. kailangan lang akong itanong sa'yo, pwede ba?" Tumango lang ito at sinenyasan akong umupo sa katapat niya.

"So.. ano ang mga itatanong mo, Ms.."

"Harven. Ah, nalaman kong.. may isang kaso kang hinahawakan ngayon."

"Yeah, your right. Paano mo nalaman iyon?"

"Connections," pagsisinungaling ko. Hindi naman kasi pwedeng sabihin na narinig ko lang 'yon. Napaka-bad naman nang image ko kung gan'on.

"Oh, I see. Is it about the.. daughter of Alisa Celeghia?" Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Daughter? So, babae nga.

"Y-yeah. Gusto ko sanang makausap si Mrs. Alisa Celeghia. At alam kong ikaw lang ang makakatulong sa'kin. Kailangan ko lang siyang makausap," sabi niya habang tumatango siya.

"Pwede ko bang malaman kung ano ang pakay mo sakanya?" Imbestigador nga siya at talagang aalamin niya bawat detalye.

"Nag-aaral ako sa Artieta High School. Hindi ba, doon nag-aaral ang nawawalang anak niya?" Nagulat siya nang sinabi ko iyon.

"Napaka-lakas naman nang connections mo. Haha. Well, tama ka. Saktong-sakto dahil nag-hahanap ako nang studyanteng pwedeng makatulong sa'kin. Ano naman ang magagawa mo para tulungan ako?"

"Just give me sometime, Ms. Yoo. For now, kailangan ko munang makausap si Mrs. Alisa Celeghia." Hindi ko pwedeng sabihin sakanya ang lahat.. sa ngayon. Dahil delikado na at masira pa ang mga konklusyon ko.

"Okay. Here's my Number. I'll just text you kapag nakakuha na ako nang approval kay Mrs. Celeghia." May inabot siyang bussiness card.

"Thanks."

"I have to go, Ms. Harven," tumango lang ako at tumayo na siya.

Success!

---

Two days. Two days ko nang hinihintay ang magandang balita galing kay Ms. Yoo pero hanggang ngayon, wala parin.

Tambay lang sa room at walang magawa. Saturday naman kasi, eh. And besides, mamaya pang 4 ang trabaho ko.

"May nahanap ka na bang kasagutan sa mga tanong mo, Syrenia?" Nilingunan lang ako ni Syrenia na kasalukuyang may binabasang libro. Binigyan niya ako nang what?! look na para bang na-we-weirduhan sa'kin.

"'Di ba sabi mo, maghahanap ka nang sagot? May nahanap ka na ba?" Isinara niya ang librong hawak niya at humarap sa'kin.

"Actually, wala pa. But I'm pretty sure that sooner or later, makakahanap na din tayo nang sagot. Alam mo naman, kapag may hinahanap kang bagay, hindi magpapalitaw 'yan. Kapag hindi mo na hinahanap, saka na lilitaw," pagpapaliwanag niya.

"So, naghihintay ka nalang na sagot instead of waiting? Hindi ba't mas walang lilitaw na sagot n'un?" Nagkibit-balikat lang siya.

"Ewan. Siguro gan'un. Pero hindi naman habang buhay, nakakulong tayo sa isang tanong, right? Hintay-hintay lang. 'Yang Phone mo nag-ri-ring." Agad kong kinapa ang bulsa ko nang sabihin iyon ni Syrenia.

The Case: Artieta High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon