(Hey. Nasa'n ka na? Are you okay? Nahanap mo na ba? Hindi ka ba naligaw? Huh? Hey, tell me.)Nasa loob parin ako nang sasakyan na kinuha ko kanina. Pero.. hindi ko naman kinuha! Hiniram ko lang. Babalik ko rin naman mamaya. It's 10:30 in the evening. Masyado pang maaga para mamatay ako.
(Hey, Stephanie Harven! Ano na? I'm worried, okay?)
Yeah, tama ako. Hindi ko pa oras para mamatay. Pero itong lalaking kausap ko ngayon, sobrang sobra na ang oras niya sa mundong ito.
"Papasok na ako, Theo. I'll call you later. Bye," in-end ko na ang call at lumabas na. Huminga muna ako nang malalim at naglakad papasok sa Building.
Hindi pa man ako nakakapasok nang biglang tumunog na naman ito. Si Theo, tumatawag na naman. Agad akong bumalik sa sasakyan at iniwan doon ang phone ko. Magiging abala lang siya sa buwis buhay kong gagawin.
Agad akong naghanap nang way para makapasok nang tahimik at buhay sa building. Tama nga ang hinala ko, marami ngang nakapaligid na taga-bantay. What do I expect? Sindikato ito, eh.
Tinignan ko ang isang pinto na tanging way para makapasok doon. May taga-bantay, syempre. At may baril pang hawak. Sa loob nito ay makikita ang mga alipunga na nagbabaraha.
Agad akong nagtago malapit sa taga-bantay nang pinto. Kailangan kong mapatumba ito. Mukha naman lampa, eh. Naghanap ako nang kahoy at gladly, nakahanap naman. Mabilis akong nagtungo sa likod nung bantay at agad na ipinalo ang kahoy na 'yon.
One down! Sana lang ay makalabas ako nang buhay. At syempre, kasama si Victoria. I don't have choice.
Maglalakad na sana ako papasok nang biglang may malamig na bagay ang dumampi sa likod nang ulo ko.
Hindi ako makagalaw sa sobrang pagkabigla at takot na rin. This can't be..
"Tell me, lady, kung maganda bang gamitin ang bago kong baril. Huh?" Kasing lamig nang baril ang boses na narinig ko.
Naglakas-loob akong humarap. Nang pagkaharap ko ay nakita ang isang lalaking naka-salamin kaya hindi ko maaninag ang mata niya. Naka-hoodie jacket din siya kaya hindi ko masyadong ma-recognize ang mukha niya.
"U-uh.. " Bigla nalang akong nanghina kaya pagsasalita lang, hindi ko na magawa.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong niya. Ginawa ko ang lahat para ngumiti nang matamis na matamis.
"I was just.. uh.. you know, curious lang ako kung ano ba ang.. nasa loob nito. Pero wala naman talaga," I tried my best para umayos ang pagsasalita ko.
"And what about him?" Binalingan niya 'yung lalaking pinalo ko nang kahoy. Oh, no.
"No! I didn't do.. uh. I mean, nahimatay siya. And I'm so worried about him." Palusot ko.
"Get out." Matapang niyang sabi kaya napapitlag ako. I can't! Gusto ko sanang sabihin.
Wala akong choice kundi patulan siya kaya agad ko siyang sinipa para mabitawan niya ang baril na hawak niya.
Hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon kaya sinuntok ko na siya pero unluckily, nailagan niya. Agad niya akong sinipa kaya napa-atras ako sa pader.
Agad kong hinanap ang kahoy na hawak ko kanina pero bago ko pa magawa iyon ay may isang bagay na tumama sa ulo ko at dahilan para mawala ako nang malay.
---
"Wala bang nakakita? Nakaalis ba kayo nang maayos?"
"Yes, Boss! Sigurado po kaming ito na ang tinutukoy niyo."
BINABASA MO ANG
The Case: Artieta High School
Mistero / Thriller"I told you before. You just have to stay away from him and you'll be safe.." Tinignan ko siya nang masama pero nginisian niya lang ako at lumapit sakin. "Just like what I told you. I won't. I won't leave him." Matapang na sambit ko. "Do you reall...