Chapter Fourteen

23 4 0
                                    


"Hey. Are you even alive?" Nawaglit ako sa pag-iisip nang biglang tinapik ni Syrenia ang balikat ko.

It's so weird. Everything happened to me is all weird. Panandalian lang akong nabalik sa katinuan dahil bumalik na naman ako sa pag-iisip.

I'm sorry

I'm sorry

I'm sorry

Damn it! I'm sorry? Sorry for what? For damn kissing me? Of all the reason, kissing me pa?!

"Hey, Stephanie Harven! Wake up!" Muli na naman akong nawaglit sa iniisip ko at tinignan si Syrenia. Isa pa 'tong babaeng 'to. Parang hindi ko na siya kilala.

"Tell me, Syrenia. Sino ka ba talaga?" Diretsyahan kong tanong sakanya. Mababaliw siguro ako kung hindi pa masasagot ang kahit isa man lang sa tanong ko.

Namilog naman ang mata niya at tinignan ako nang parang na-we-weirduhan siya.

"Ano'ng "sino ako"? Baliw ka ba?"

"Malapit na, Syrenia. Malapit na akong mabaliw. Ang gulo na nang buhay ko, alam mo ba? Sobrang anggulo na." Sabi ko at uminom nalang nang Juice na ibinili ni Syrenia.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain kahit na wala naman akong gana. Pero napukaw ang atensyon namin nang biglang pumasok si Gab sa Canteen.

Napayuko pa ako nang magtama ang mata namin pero agad naman siya umiwas kaya nainis ako sa puntong iyon. Iniiwasan niya ba ako?

Mas lalo akong nagtaka nang sa direksyon namin siya papunta. Akala ko ay ako ang pakay niya pero nagulat ako nang bigla niyang nilapitan si Syrenia at hinila ang braso papatayo.

"Come with me." Seryosong sabi niya at nagulat doon si Syrenia. Ako naman ay hindi malaman ang i-re-react sa nangyayari.

"What's the matter, Gab? Bakit ka ba nanghihila?" Narinig kong sabi nalang ni Syrenia habang kinakaladkad siya ni Gab.

Agad ko naman kinuha ang mga gamit ko at sumunod. Habang naglalakad ako sa hallway ay may biglang humarang sa'kin na lalaki. Pamilyar siya...

"B-bakit ka nandito? A-anong kailangan mo sa--kin?" Nauutal na tanong ko sakanya pero hindi ko pinakitang natatakot ako.

"Sumama ka sa'kin."

"Eh, kung ayoko? May magagawa ka ba? Umalis ka na sa school ko dahil baka i-papulis pa kita." Matapang na sabi ko pero naglabas lang siya nang patalim.

"Lumayo ka sa'kin." Akmang lalapit na sana siya nang biglang may bumato nang bato sakanya kaya agad siyang tumakbo palayo dahil siguradong mahuhuli siya kung sakali.

Agad naman akong napalingon sa lugar kung saan nanggaling ang batong iyon. Agad akong tumakbo papunta doon at nagulat nang makita ko 'yung nerd na inaapi ni Victoria noong first day.

"Tama nga ang hinala ko. Hindi ka na nila lulubayan pa, Stephanie." Nagtaka ako sa sinabi niya kaya agad akong lumapit sakanya pero sinubukan niya tumakbo.

"Sandali!" Sigaw ko at lumingon naman siya.

"Bakit nila ako gustong patayin?" Tanong ko sakanya.

"Hindi ko alam. Basta ang alam ko, kailangan mong mag-ingat, Stephanie. Mag-ingat kayong lahat. Dahil baka patayin din nila kayo," wika niya at tuluyan nang tumakbo. Hindi ko na siya nakayang habulin dahil naguguluhan pa ako. Ano bang nangyayari at may nagtatangka nang buhay ko?

---

"At hindi mo lang sinabi sa'kin iyon, Syrenia? Muntik nang mamatay si Victoria at wala akong alam tungkol doon!" Parehong tinig parin ang naririnig ko mula kanina.

The Case: Artieta High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon