Nakatuon lang ako sa likod nang lalaking kasama ko ngayon. Tahimik lang namin tinahak ang daan pabalik sa Campus.Kating-kati na akong tanungin kung bakit nandoon ba siya. Kaya naman huminga ako nang malalim bago mag-salita.
"Devon, about kanina.." napatigil siya sa paglalakad at humarap sakin.
"Stephanie, kalimutan mo nalang iyon."
"Kalimutan? Paano ko makakalimutan ang isang bagay na gumugulo sa isip ko? Now, tell me. Bakit ka nandoon?" Tanong ko sakanya pero nag-iwas lang siya nang tingin.
"H'wag mo sabihing.." All of the sudden, biglang may pumasok sa isip ko.
"Do you mind explaining this freaking scenario?" Sabay kaming lingon nang may magsalita sa side namin. Hindi na ako magugulat kung sino iyon. Dapat ba na kabahan na ako dahil si Devon ang kasama ko ngayon?
"Victoria.."
"Nagkasalubong lang kami," sabat ko para hindi na lumaki ang usapan. Binaling ni Victoria ang tingin niya sa'kin at tinaasan ako nang kilay. The heck!
"I'm not talking to you. Devon, bakit kasama mo 'tong babaeng 'to?"
"Tama siya. Nagkasalubong lang kami," pangangatwiran ni Devon.
"Nagkasalubong? Pero naguusap kayo? Oh, c'mon! Don't try to lie to me. And you--" binaling niya ang ulo niya sa'kin--"Stop flirting with Devon."
"I'm not flirting with him. Hindi nga ako interesado sakanya," pagkatapos kong sabihin 'yon ay naglakad na ako paalis. Wala naman akong mapapala kung makikipag-usap ako sa paranoid girl na 'yon. Love sucks. Really.
---
"You're late, PrettyBabes!" Inirapan ko lang si Xyrex na nakatayo sa tapat nang Cafe. Dire-diretso lang akong pumasok sa Cafe at dumeretso sa Staff room. Nang matapos na akong magbihis ay lumabas na ako.
"How are you, Prettybabes?" Pag-uusisa ni Xyrex. Inirapan ko lang din siya at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Fine.. before," masungit na sagot ko. Wala ring talagang butas ang buto nito. Kulit nang kulit.
"Aww. Come here and I'll kiss you para naman ma-feel better ka na."
"Die. Now." Naglakad na ako at iniwan siya nang makasalubong ko si-- ano nga pangalan nito? Gide? Tss. Damn names.
"Hey, Stephanie! Uh, pwede bang magpasuyo? Inuutusan kasi ako ni Manager Shera. So, hindi ko na maasikaso 'yung customer banda doon. Sayang! Pogi pa naman siya. At Oh, Mygee! Ang hot pa--"
"Pwede ba? Ano ba 'yang pasusuyo mo, ha? Dalian mo na habang hindi pa nagbabago isip ko."
"Ah, oo. Haha. Sorry. Paki-bigay nalang 'tong Marble Mocha Macchiato," sabi niya at ini-abot nga ang Coffee na hawak niya.
"Okay." Maikli kong sabi at nilagpasan na siya. Narinig ko pa siyang sumigaw nang 'thank you' pero hindi ko na siya pinansin. Jeez. Hindi nga kami close.
Lumapit ako kung saan tinuro nung Gide na 'yun 'yung customer na sinasabi niya. Medyo sulok ang seat niya.
"Sir, Marble Mocha Macchiato, your order. Enjoy," sabi ko at inilapag na ang order niya. Aalis na sana ako nang mapansin ko kung sino 'yung lalaking naka-upo.
"Wait-- Devon! Devon!" Iniangat niya ang mukha niya at nakita ko nga ang malalaki niyang mata! Yeah, para sa'kin naman talaga ay malaki iyon.
"Stephanie. I didn't know na nagtatrabaho ka pala dito," sabi niya. Mukhang gulat din siyang makita ako.
BINABASA MO ANG
The Case: Artieta High School
Mystery / Thriller"I told you before. You just have to stay away from him and you'll be safe.." Tinignan ko siya nang masama pero nginisian niya lang ako at lumapit sakin. "Just like what I told you. I won't. I won't leave him." Matapang na sambit ko. "Do you reall...