"Mga ilang araw ang aabutan niyo sa paghahanap?""We don't know. It might take a long time to find that Helga."
"Victoria's right, Devon. At saka, isang detalye lang ang hawak natin sakanya," sang-ayon ko kay Victoria.
"Then, we should go with you. Para naman makatulong na kami sa paghahanap," suhestiyon naman ni Gab mula sa Driver's seat.
Papunta kami ngayon sa Pampanga para hanapin nga si Helga. And we just know na nakatira siya dito. Hahatid lang kami sa Bus Station papuntang Pampanga nina Gab at Devon dahil kailangan pa nilang manatili sa School.
"Hindi pwede, Gab. Kami na ang bahala dito."
"But Victoria.. alam mo naman.." bago pa makapagsalita si Gab ay nilapitan na siya ni Victoria at ipinatong ang kamay sa balikat tanda nang pagsabing okay lang.
"Fine. Just make sure that you'll be safe, okay?"
"I promise. Thanks, Gab." Agad ko naman binalingan ang dalawa. Sinamaan silang pareho nang tingin at inirapan.
"Ang keso niyo, huh. Nakakadiri."
Hindi ko alam kung ba't bigla nalang tumawa si Victoria at nilapitan ako habang tina-taas pa ang kilay.
"It's okay, Step. We're just friends, right, Gab?" Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. What does she mean by that?
"Stop it, Vic. Step's face is turning red." Agad naman akong napahawak sa pisngi ko sa sinabi ni Devon. Sila naman nagtatawanan.
"Pinagtitripan niyo ba ako? Hoy, ikaw, Demonyo ka! Konti nalang sisipain na kita palabas nang sasakyan na 'to," inis na baling ko sakanila.
"The real Step."
"Bitch mode on!"
"The same Stephanie I met."
Komento nilang tatlo 'yan. Wala nalang akong nagawa kundi hayaan silang magtawanan. Mamatay sana sila kakatawa. 'Yong bang tipong sumobra sila sa kakatawa at atakihin nalang sa puso. Sana gan'on nalang.
Nanahimik nalang ako at nagtingin-tingin sa kalsada.
"Shit!" Napukaw ang lahat nang atensyon namin nang biglang mag-mura si Gab sa kalagitnaan nang byahe.
"What's the matter?" Tanong ni Victoria sakanya nang mapansing panay ang lingon nito sa ilalim na bahagi nang sasakyan.
"Someone's calling me. I'll just check it," he fished his phone from his pocket and gave it to Devon.
Mukhang alam naman ni Devon ang gagawin kaya sinagot niya ito. Ilang minuto lang kaming hinintay na matapos ang call at binaba niya na ito.
"Peter Kaviona daw."
"Siya ang hi-nire ko para pa-imbistiga si Helga at ipahanap nadin. Ano'ng sabi? May balita na ba?"
"Ang sabi, nasa Pampanga nga ito ngayon kasama ang kapatid niya. Te-text nalang daw niya ang exact lugar at tayo na daw ang bahala doon."
"Oh, god, thanks. Kung gan'on, mas mapapadali na ang paghahanap sa Helgang 'yon." Pawang naka-hinga naman kami nang maluwag dahil hindi na kami tatapak sa Pampanga na clueless at walang alam kung saang lupalop namin mahahanap ang Helga na 'yon.
Ilang minuto rin at nakarating na kami sa Bus Station. May mga instruction silang binigay para sa'min dahil hindi naman ako masyadong sanay sa mga ganito. At syempre, ito pang kasama ko. Pinagbilinan din kaming magtanong kung sakaling nalilito na kami.
Agad na kaming bumaba at tinignan ang mga Bus na nakaparada doon.
"Are you sure na kaya niyo na ito? Here's the Address." Tumango lang kaming dalawa ni Victoria at ki-nopy na ang address na binigay ni Gab.
BINABASA MO ANG
The Case: Artieta High School
מתח / מותחן"I told you before. You just have to stay away from him and you'll be safe.." Tinignan ko siya nang masama pero nginisian niya lang ako at lumapit sakin. "Just like what I told you. I won't. I won't leave him." Matapang na sambit ko. "Do you reall...