Chapter Twenty-Two

18 3 0
                                    


Safe naman akong nakarating sa School at pagkapasok palang ay agad ko nang pinarada ang sasakyan ko--ni kuya pala.

Bumaba na ako at agad na naglakad patungo sa kwarto ko. Tahimik na ang buong paligid dahil gabi narin.

Ang mga maiingay na insekto lang ang naririnig ko at ang yabag nang paa ko.

Nang marating ko na ang tapat nang kwarto ko ay hindi ko pa man nahahawakan ang door knob nang biglang may tumakip nang bibig ko at hinila ako pasagad sa pader.

Hawak ang kamay ko ay isinandal niya nga ako sa pader na nakatalikod sakanya. Hindi ako makasigaw o makagawa nang ingay man lang dahil nakatakip ang bibig ko at hawak naman ang kamay ko.

Pinihit niya ang katawan ko paharap sakanya gamit ang kamay ko at nakita ko ang mukha niya. Hindi pala. Nakatakip ang pagmumukha niya nang face mask at nakasalamin naman siya.

Marami nang nagtaka nang buhay ko pero ngayon ko palang siya nakita.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga sandaling iyon lalo na't nakatuon lang ang mukha niya sa akin.

"Bitawan mo siya."

Isang tinig na nagmula sa likuran niya. Napatingin naman ako doon at nakita si Syrenia sa madilim niyang aura pero unlike before na nakita ko ang ganitong aura, nakabihis siya nang ibang kasuotan noon. Ngayon naman ay simpleng damit lang.

Hindi naman humarap ang taong may hawak sa'kin o gumalaw man. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at ilang sandali lang ay gumalaw na siya at itinulak ang katawan ko kaya napasandal ako sa kabilang pader.

Nang itulak niya ako ay agad niyang sinipa si Syrenia pero parang alam ni Syrenia na sisipain niya ito kaya nakailag siya pababa. Para bang nanood ako nang Martial Arts sa nakikita ko.

Nang makabawi si Syrenia ay sinipa niya ang paa nito dahilan para matumba ito. Pero parang sinasadya niyang hindi agad tumayo at may hablutin sa bulsa nito.

Nagulat nalang ako nang hawak na nito ay patalim at tumayo. Papalapit ito sa'kin at mabuting inihahanda ang patalim na hawak niya.

Natatakot at nanginginig na ako sa oras na iyon kaya wala na akong magawa.

Nakita ko mula sa likod na hinila ni Syrenia ang lalaking iyon papalayo sa'kin pero aksidenteng natarak ang patalim na iyon kay Syrenia.

Nanlaki lang ang mata ko nang makitang dumaloy ang dugo mula sa tagiliran ni Syrenia.

"Syrenia.."

Tumingin lang sa'kin 'yung lalaking iyon at tuluyan nang umalis.

Agad naman akong lumapit kay Syrenia at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"Syrenia. Kaya mo pa ba? Ha? Dadalin kita sa ospital. Sandali lang.. Syrenia," hindi na ako mapakali kaya agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko para tawagin si Devon. Siya lang ang alam kong makakatulong sa'kin.

Tinignan ko naman si Syrenia na nakahiga na sa sahig at nanghihina na ang katawan.

"Syrenia, wag kang pipikit, okay? Hintayin mo lang. Jusko, ano bang ginawa ko?" Tarantang sabi ko.

---

"Doc, i-save niyo po siya. Sige na po, Doc. Gawin niyo po ang makakaya niyo para lang mabuhay siya, okay? Doc.."

Nakikiusap parin ako sa Doctor na kasama sa nagtutulak nang stretcher. Alam kong nakaka-weird lang pero umiiyak na ako.

Nagtataka din ako kung bakit ako umiiyak pero wala na akong pake basta't mapakiusapan ko lang ang Doctor na iyon.

The Case: Artieta High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon