Naglalakad kami ngayon ni Victoria patungo sa garden nang bahay nila. Kakatapos palang namin mag-usap nang magulang niya at thankfully, it went well. Naging maayos ang lahat at ang may pangalawang hakbang na ako. 'Yon ay hanapin si Helga. Sana lang at maging katulad din ito nang nangyari ngayon."Bago ako umalis, gusto ko sanang sabihin ang isa pang dahilan kung bakit ko gustong malaman ang lahat tungkol sayo," paninimula ko.
Umupo kami sa bench sa garden at parehas kaming nakatingib sa mga halaman.
"Siguro, two weeks ago, may nakilala akong babae. She is looking for her daughter. May nangyaring aksidente noon kaya nawala ang anak niya. At first, hindi ko pinansin iyon. But when I found out that you are adopted, napaisip ako. It may be impossible that you're her lost daughter but.. there is a chance, too."
"Who is she? I want to meet her. Baka makaramdam ako nang luksong-dugo," tumingin ako sakanya at pinanliitan siya nang mata.
"Her name is Alisa Celeghia. She's nice. Kaya noong nakilala ko siya, bumaba ang chance na nanay mo siya," pinanliitan din niya ako nang mata na parang sinasabing "what?!".
"Whatever. What are you planning now?"
"I'm planning on finding Helga."
"Sasama ako. Tutal, tungkol naman ito sa'kin kaya.. why not, 'di ba?" Tumango lang ako at napangiti.
---
Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa kwarto ko ay biglang nag-text si Victoria kaya nagtaka ako. Por que ba kabibigay ko lang nang number niya ay mag-te-text na siya kaagad? Tss. Hindi naman siya uhaw sa kaibigan, huh?
Tama nga ang nabasa niyo. After nang nangyari, I considered Victoria as a Frenemy. Friend+Enemy.
Binasa ko ang text niya at napabuntong-hininga.
From: Paranoid Girl.
Syrenia already left?! Why didn't you told me? I have the rights to know because I'm her friend, you evil bitch! Kasalanan mo siguro kung bakit siya umalis.
See? Enemy ko siya ngayon. For the second time, nagbuntong-hininga ako. Hindi parin ako aware na wala na si Syrenia. Isa kasi siya sa mga tumulong sa'kin kahit na Agent pa 'yon.
Oo, agent nga siya. Nalaman ko lang nitong linggo. Paano ba naman ako makakapaniwala na agent siya? Pati pamilya niya, may kakaibang dating.
Nag-decide akong reply-an si Victoria since masyadong harsh ang mga pinagsasabi niya.
To: Paranoid Girl.
Oo, tama ka. Umalis na siya. And FYI, friend mo siya.. DATI. Nilayuan ka niya dahil sa buhay niya. Maybe kasalanan ko nga pero konti lang. Language!
Pagka-send ko ay nagpatuloy na ako sa pag-aayos nang gamit nang makita ko 'yong bag na pinaglamnan ko nang gamit nang pumunta ako sa bahay ni Xyrex.
Agad kong inilabas ang mga laman nito para maayos ko narin pero nagulat ako nang makita ko 'yong envelope na pinadala sakanya. 'Yong Rmander.
Napasama siguro ito nang kunin na niya ang mga gamit ko. All of the sudden ay na-curious ako kaya binuksan ko ito at tinignan ang laman.
Sa unang papel palang ay nagulat na ako sa nilalaman nito.
Target Profile:
Stephanie Harven
School: Artieta High School
Mission: Kill her.Rmission.
Parang bigla nalang sumikip ang dibdib ko nang mabasa ko iyon. Of all the people, si Xyrex pa?! So all this time, kaya lang niya ako kinakasama ay dahil siya din ang papatay sa'kin. Nakatingin lang ako sa papel na 'yon at hindi ko na namalayang tumulo ang luha ko.
Bakit ba pang ang sakit malaman nang isang bagay na 'to. Kahit na nanghihina na ako ay sinubukan ko paring tignan ang mga ibang papel. Picture ko, mga kaibigan ko, at iba pa.
Hindi kaya.. si Xyrex ang nagtangka sa'kin?
Sa konklusyon kong 'yon agad ko nang ibinalik sa bag ang mga papeles at envelope. I have to know the reason kung bakit kailangan niya akong patayin.
---
Naglalakad ako ngayon sa daan patungo sa bahay ni Xyrex. Or should I call him "The Killer".
Ilang bahay nalang at nandoon na ako. Nang matanaw ko na ang bahay niya ay agad kong napansin ang kotseng nakaparada sa harap nang bahay niya.
Bago ako pumasok at minamnaman ko muna ang paligid at baka ilang segundo lang ay may balang paparating na.
Tahimik kong tinahak ang daan papasok. Bawat hakbang ay kinakabahan ako. Agad akong nagtago sa backdoor kung saan nakakarinig ako nang mga boses.
Hindi nga ako nagkamali dahil may kasama nga si Xyrex. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino iyon. 'Yon 'yong nagtangka sa buhay ko noon sa banyo.
So, palabas lang pala iyong lahat? Walanghiya talaga sila! All this time, magkasabwat sila.
Mula sa backdoor ay rinig na rinig ko ang usapan nila. Kaya tinalasan ko talaga ang pandinig ko upang marinig ang bawat detalye.
"Hanggang ngayon, hindi mo pa napapatay ang babaeng iyon?! Ano bang klaseng lalaki ka at babae lang ay hindi mo pa mapatumba. Kailangan na nang balita ni Boss tungkol sa babaeng iyon," sabi 'nong lalake.
"Hindi gan'on kadali 'yon. Bakit ba sa'kin pa pinapagawa ito?"
"Dahil may hinala si Boss na ikaw ang traydor na sinasabi nang ibang kasamahan natin. Mabuti pa't tapusin mo na ang misyong ito."
Hindi na umimik pa si Xyrex pagkatapos noon. Tama nga ako. Papatayin niya nga ako. Tumalikod nalang ako at napa-upo sa sahig.
Bakit ba kasi ako nandito? Bakit kailangan ko pang malaman ang lahat nang ito. It's not that I-- bullshit!
Agad kong pinunasan ang pisngi ko nang may maramdaman akong malamig na likidong dumadaloy mula dito. Umiiyak ba ako?!
"Hindi ka na dapat pumunta dito," bigla nalang akong napatayo nang marinig ko ang boses ni Xyrex mula sa likod ko.
"Hindi ka pa ba masaya n'on? Nasa harap mo na ang taong dapat mong patayin. Go on, Xyrex. You can kill me now." Hamon ko sakanya.
Humakbang siya papalapit sa'kin at tinignan ako.
"Alam mong hindi ko magagawa 'yon," bigla nalang nag-iba ang tono nang pananalita niya at bigla nalang hinila ang kamay ko.
Isinandal niya ako sa pader at ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang labi niya sa labi ko. Hinalikan niya ako at hindi na ako nakapalag pa.
My heart started to beat fast and I can't do anything about that. All I know is I like it. I like the way he kiss me.
Parang may sumigaw sa utak ko na gusto ko pa nang ihiwalay na niya ang labi niya sa labi ko. Tinignan lang niya ako at niyakap. I couldn't help myself but to do the same.
Muli, naramdaman ko na namang may likidong dumaloy mula sa mata ko. Ayoko na. Ayoko nang itago pa ang lahat.
I love you, Xyrex.
"Damn, Stephanie, I love you." With that words, nalinawan na ako. Kung mahal niya talaga ako, gagawin niya ang lahat para sa'kin. Gan'on ang alam ko tungkol sa pagmamahal.
"Then do me a favor, Xyrex." Humiwalay siya sa yakap at hinawakan ang pisngi ko. Tinignan ko siya sa mata at nagsalita,"Stay away from me. Forget about me."
---
BINABASA MO ANG
The Case: Artieta High School
Mystery / Thriller"I told you before. You just have to stay away from him and you'll be safe.." Tinignan ko siya nang masama pero nginisian niya lang ako at lumapit sakin. "Just like what I told you. I won't. I won't leave him." Matapang na sambit ko. "Do you reall...