"What the hell is happening?" Agad kong nilingunan si Syrenia at naabutan ko rin siyang nakatingin sa'kin na may halong pagtatanong. Umiling lang ako sakanya.Napaka-ingay kasi sa labas kahit na napaka-aga palang. Usually kasi, tahimik naman kapag umaga ang campus pero ngayon ay mukhang maingay at mukhang nagkakagulo din.
Unang tumayo si Syrenia at sumilip sa labas. Hindi naman ako sumunod at itinali ang buhok ko at naghilamos narin.
Suot ang t-shirt at comfy short ko ay sumunod na ako kay Syrenia sa labas. Naabutan ko siyang nakadungaw sa ilalim at mukhang nakikialam pa.
"Ano'ng nangyari?" Tanong ko sakanya. Lumingon lang siya sakin at nagkibit-balikat na nangangahulugang wala siyang alam.
Last time na naalala kong may scene na nangyari nang ganito ay 'yung pagkamatay ni Rusty. Hindi kaya..
"Students, magsibalik muna kayo sa mga rooms niyo at suspended muna ang mga klase sa ngayon. Please lang at bumalik na kayo sa mga rooms niyo." Nag-aannounce na si Ms. Rosy kaya naman agad kaming bumaba ni Syrenia para tignan ang nangyayari sa baba.
Nagbubulungan na estudyante at mukhang mga naguguluhan din ang naabutan namin doon at nagtaka pa kami dahil may ambulansya at pulis. So, it means.. may nangyari nga. At sa tingin ko, masama.
"Syrenia, Stephanie, bakit hindi pa kayo bumabalik sa room niyo?" Napalingon kami kay Devon nang bigla nalang siyang sumulpot sa side namin.
"Ano bang nangyayari talaga, Devon?" Tanong ni Syrenia kay Devon. Si Devon naman ay halatang kagigising palang at messy hair pa. Looking hot but I don't care.
"Mika Alumbre is dead." Napakunot-noo ako sa sinabi ni Devon kaya napatingin ako sakanya.
"Mika Alumbre?" Tanong ko ulit.
"Yung Nerd na "iniligtas" mo," pagsabat naman ni Victoria.
"Ah. 'Yung inaway mo? Aw. Binully pala," pagsusupla ko naman sakanya. Mukha naman nainis siya at inirapan ako. Bitch as always.
Nakatingin nalang kaming apat sa ambulansya na sakay nung Nerd na 'yon. Bakit siya namatay? Wait! I remember, nakausap ko palang siya kahapon. How come na namatay na siya? Hindi kaya nagpaalam na siya sa'kin that time?
Hindi naman siguro. Malabo iyon.
"Wait. May I ask? Ano'ng kinamatay niya? I mean, ano'ng sinabing dahilan?" Tanong ko ulit. Para malinawan lang ako sa lahat.
"It was a suicide. Nerds thingy," nabigla naman ako sa presensyang hindi ko inaasahan. Tinignan ko lang siya panandalian at ituon na ang tingin ko sa iba.
So, buo pala ang barkada nila? Ano'ng meron?
Iniisip ko lang na kung suicide 'yon, bakit niya gagawin iyon? Depression? Grades? Hindi naman siguro. Okay naman siya sa mga subject na kaklase ko siya. She's doing fine. At kahapon na nakita ko siya, she.. warned me.
"Students, hindi ba't kailangan niyo nang bumalik sa mga rooms niyo? I wonder kung ano pang ginagawa niyo dito?" Naputol ang pag-iisip ko nang biglang dumating si Ms. Rosy.
"Ma'am, pwede po bang tignan ko ang profile ni Mika Alumbre?" Tanong ko kay Ms. Rosy. Kailangan ko lang malaman kung sino ba siya at anong alam niya tungkol sa nangyari sa'kin kahapon.
Kunot-noong bumaling naman sa'kin si Ms. Rosy at pati narin ang mga kasama ko ngayon.
"Ano'ng gagawin mo, Step?" Tanong ni Syrenia pero hindi ko lang siya pinansin.
"Kinuha na nang mga Police ang Profile niya, Ms. Harven. Don't worry about that. Ang Police na ang bahala sa lahat. Alam na din nang pamilya ni Mika Alumbre?"
BINABASA MO ANG
The Case: Artieta High School
Mystery / Thriller"I told you before. You just have to stay away from him and you'll be safe.." Tinignan ko siya nang masama pero nginisian niya lang ako at lumapit sakin. "Just like what I told you. I won't. I won't leave him." Matapang na sambit ko. "Do you reall...