(Nandiyan ka na ba?)Tanong nang kabilang linya. Parang gusto ko nang lamunin ako nang lupa dahil sa sobrang kahihiyan. Pinagtitinginan na nga ako nang mga tao dahil sa suot ko. I swear, sinusumpa ko kung sino man ang tumahi at nakaisip nang ideang ito.
(Hey, Tep! Nandiyan ka na? Ha?)
At isa pa 'tong makulit na roommate ko. Katatapos palang nang klase ko at ayun, agad ba naman akong kinaladkad sa room namin para lang ipasuot ang pesteng unipormeng 'to.
Gusto pa nga niya akong ihatid but no, I rejected her. Sobra na ang pagtitiis ko sakanya. Sobrang-sobra na talaga. Pero malas lang at siya 'yung tipong nang tao na mangungulit parin kahit na halatang inis na inis ka na sakanya.
"Oo, nandito na ako. Bye."
In-end ko na ang call at ibinalik na ang Phone ko sa bulsa ko.
Bumaba na ako sa taxi na sinakyan ko papunta dito. Next time, hihingi na talaga ako nang Car kay Kuya. Sana lang at ibigay niya.Naglakad na ako papunta sa loob nang 'Chuchu' sweet Cafe at pumasok.
Hindi ko na binigyang pansin pa ang mga customer na todo-tingin sa'kin. Basta pumunta nalang ako sa Staff Room at nag-ayos.
"Hi! You must be Stephanie! Ako nga pala si Ginny. Nag-pa-partime job din ako dito. Kase you know, napakahirap na nang buhay ngayon. How 'bout you?" Ang daldal niya. 'Yun ang unang impression ko sakanya. Another version of Syrenia, huh?
Tinignan ko lang siya nang 'duh-I-won't-talk-to-you-stupid' look. Pagkatapos noon ay tinabig lang ang kamay niyang nakalahad.
Lumabas na ako nang Staff Room at nagsimula nang magtrabaho. Kaya ko 'to, sabi ko sa sarili ko. Two hours lang naman 'to, eh. Tss. 'Di sana nasa dorm ako ngayon.
Naghanap ako nang customer na kararating palang. Jezz. Wala akong alam dito! Nang sumenyas siya na parang mag-oorder na ay agad akong lumapit sakanya.
"What's your order?" Tanong ko sa babaeng nakatutok lang sa Phone niya.
"Uh, Cap.. Cap.."
"Cappuccino?"
"No! Cap.." Hindi parin niya natutuloy ang sasabihin niya dahil tutok parin siya sa Phone niya. Huminga ako nang malalim at ni-relax ang sarili ko.
"Cappuccino ba?" Tanong ko ulit. Pero umiling lang siya at nanatiling nakakatutok sa phone niya.
"Cap.. uh.. Cap--hey! Give me back my phone!" Sigaw niya habang pinilit na kunin ang Phone niya.
Nawalan na ako nang pasensya kaya kinuha ko na ang phone niya. Sinilip ko ang phone niya at nakita kong tinatadtad niya nang text ang Boyfriend niya. Nararamdaman kong nakatingin na sa'min ang lahat pero wala akong pake.
"Do you think rereplayan ka nito, ha? Wake up, girl! Hindi ka mahalaga sakanya. Isang text mo palang, hindi ka na nireplyan! Alam mo ba kung ano ang ginagawa niya ngayon?! Kasama niya ang bago niya! Nag-sesex sila habang nakapatay ang phone niya dahil sarap na sarap siya at sawang sawa na siya sayo. Habang ikaw, ano? Kanina pa ako tanong nang tanong pero hindi mo ko pinapansin. Now. What is your fucking Order?!" Halatang nagulat siya sa mga nasabi ko. Naluluha na din siya kaya huminahon na ako.
"Cap.. Cappuccino. Cappuccino ang order ko," pagak na sabi niya. Ibinagsak ko ang phone niya sa mesa at isinulat na ang order niya.
Naglakad na ako sa Counter at ibinigay na ang order niya saka dumiretso sa Staff room. Mag-reresign na ako. Hindi ko na kaya ito. Hindi naman ako nababagay dito, eh! Makikiusap ako kina Mama na bigyan na ako nang allowance at bawiin na ang parusa ko.

BINABASA MO ANG
The Case: Artieta High School
Mistero / Thriller"I told you before. You just have to stay away from him and you'll be safe.." Tinignan ko siya nang masama pero nginisian niya lang ako at lumapit sakin. "Just like what I told you. I won't. I won't leave him." Matapang na sambit ko. "Do you reall...