Dedicated para sakanya. Maganda daw kasi yung story ko. :") At dahil isa akong writer isang nakakatuwa at nakakagaan ng loob para sa akin yun. Salamat po ng marami! Mwah mwa! Tsup Tsup! :))
*****
MER'S POV
" Hi Babe! " Hindi ko alam pangalan niya e. Atsaka gusto ko talaga syang asarin. Naglalakad lang ako kanina papuntang canteen kasama yung mga chikababes ko ng makita ko siya. Kaya pinaalis ko muna yung mga kasama ko at pinuntahan ko siya. Nakita kong may kasama siyang lalaki.
Boyfriend niya to?
Weee? Di nga?
Tibo kaya yan!
Pareho silang napatingin sa akin. Yung kasama niyang lalaki parang nag tataka. Si Babe ko naman gulat na gulat. Bwahaha.
It's time for my Revenge babe. * evil laugh *
" Wa-What the hell are you du-doing here huh?! " Tinuro niya ko. Haha! Natatawa ko sa pagmumukha nitong babaeng to. Para bang takot na takot na ewan.
" Who is he Mae? " Mae? Mae pala pangalan ng babe ko. Yung lalaking kasama niya. Mas gwapo naman ako dito! Sos!
" Ha-huh?! Ano hindi ko nga kila--- "
" Babe naman! Bat mo kinalilimutan? May date tayo ngayon di ba? " Nilapitan ko siya at inakbayan. Alam ko namang ipagkakaila niya ko. Kaya inunahan ko na siya.
" Pare, hindi naman ata tamang akbaya--- "
" Babe-biin mo yang mukha mo! Sa-saka anong date?! " Pinalo niya yung kamay ko na nakaakbay sakanya. Boyfriend niya ba to talaga?
" Aray ha. Nananakit ka na babe. Akala ko pa naman mahal mo ko. " Pang asar ba? E ganun talaga. Gusto ko talaga siyang pagtripan e.
Tumayo yung Boyfriend niya, halatang galit na.
Susuntukin ata ako nito a?
Pero pinigilan siya ni Mae. At pina-chill ito.
" Sige Sige. Tara na Mer. " Pumayag naman siya. Tumayo na si Mae. Ako naman nauna ng maglakad.
Nang nahalata kong di pa sumusunod si Mae sa akin, lumingon ako sa likod at nakita kong nagtitinginan at nag uusap pa yung dalawa. Kaya Agad akong bumalik at hinatak si Mae.
" ang tagal mo naman e. "
Hinigpitan ko yung hawak ko. E kumakawala e. Baka sapakin pa ko nito pag nakawala yung kamay. Delikado na.
BINABASA MO ANG
Can I Borrow A Kiss? I Promise I'll Give It Back [ completed ]
HumorAno nga bang mararamdaman mo kapag ang pinagkakaingat ingatan mong FIRST KISS ay napunta sa taong ayaw mo? Ni hindi mo pinangarap malapitan at lalo na hindi mo pinangarap mahalikan niya? At pinaka nakakainis pa. Hindi lang siya ang first kiss mo, pa...