MAE's POV
Inikot niya ko sabay ng pagpasa niya sa akin ulit kay Zac at pagbalik sakanya ni Tricia.
" Tss.. Ikaw lang naman ang mahal ko. "
O.O A-ano raw?
Mabilis akong lumingon sa direksyon ni Mer.
Sa akin ba niya sinabi yun? O talagang kay Tricia niya lang sinabi? Kasi diba nung sinabi niya yun, nakaikot at nakabalik na kami sa bawat partners namin. Malay niyo, sinabi niya yun, para sakto kay Tricia at kiligin ito.
" Happy now? " biglang tanong ni Zac. Kaagad naman akong tumingin sakanya.
" H-huh? " E naguguluhan ako sa tinatanong niya e.
" Masaya ka na ba? Na nalapitan mo siya kahit saglit lang? " sinasabi niya yun na may ngiti sa mga labi niya.
" A-anong bang s-sinasabi mo--- "
" Nakoo. " Ginulo niya yung buhok ko. " Tara na nga. " Hinawakan niya ko sa kamay at hinila paalis ng 'dance floor'
Habang naglalakad kami paalis. Nakatingin lang ako kay Mer at hindi sa dinadaanan namin.
Nabigla naman ako ng bigla siyang tumingin sa akin.
Na para bang may kahulugan yung pagtitig niya na yun.
Bigla na namang lumakas ang tibok ng puso ko.
Napahawak ko ang isang kamay ko sa dibdib ko at napatingin dito.
Huminto ako sa paglalakad at siyang kinatigil din ng bestfriend ko sa paglalakad. " Zac. "
Lumingon siya sa akin at ngumiti. " Go on. " He let go of my hand.
Tumango ako at tumalikod sakanya.
Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko pa ring sabihin sakanya tong nararamdaman ko. Kahit na alam kong sila na ni Tricia. Pero hindi, hindi ko na kayang itago pa tong nararamdaman ko. Atleast pag sinabi ko, wala na kong 'DOUBTS' na baka, mahal niya rin ako o kung anu pa. Na atleast kapag inamin ko sakanya yung feelings ko at binasted niya ko, tanggap ko na sa sarili ko na wala na talagang pag asa. Na kailangan ko na talaga siyang kalimutan.
Naglakad ako ulit papunta kayla Mer na nagsasayaw pa rin. Bawat hakbang ko, punong puno ng kaba pero may lakas ng loob.
Kaya ko to.
******
BINABASA MO ANG
Can I Borrow A Kiss? I Promise I'll Give It Back [ completed ]
HumorAno nga bang mararamdaman mo kapag ang pinagkakaingat ingatan mong FIRST KISS ay napunta sa taong ayaw mo? Ni hindi mo pinangarap malapitan at lalo na hindi mo pinangarap mahalikan niya? At pinaka nakakainis pa. Hindi lang siya ang first kiss mo, pa...