MER's POV
" Waaaaaah! " Sabay inat ng katawan. Tinignan ko ang orasan ko sa side desk ng higaan ko. 11:30am na pala. Pero okay lang linggo naman e. Kaya walang pasok. Tumayo na ko.
Makapagluto na nga ng almusal.
" Psst. Kiss mo kooo. "
" wo! " Ayy oo nga pala. May tao nga palang nakitulog dito. Tss. Tulog parin at mukhang nananaginip pa. Pero ano daw? Pakiss? Lumapit ako sa kinahihigaan niya.
" Sige na oh. Kiss mo na ko. " Hahahaha! Grabe tong babaeng to. Desperada makahalik.
Tinanggal ko yung kumot na nakatalukbong sakanya. Boses lang kasi naririnig ko sakanya. Gusto ko rin makita mukha niya habang natutulog.
" Kiss na kasii. " HAHAHAHA! Nagpa pout pa oh! Totoo ba to? O umaacting lang?
Masubukan nga.
Lumapit ako sakanya.
At hinalikan ko siya sa noo.
5
4
3
2
1
Tulog nga ata talaga.
" Mae. " inalog alog ko yung katawan niya.
" Hmmm. Ano baaa. "
" Gumising kana at maihatid na kita sainyo. "
" Wag ka ngang magulo ikikiss na niya ko e. " Bigla niya kong sinipa. Bumalagta naman ako sa sahig. E grabe lang, nakakagulat. Naninipa kahit natutulog.
" Ako nalang mangkikiss sayo. " Nilapitan ko siya at hinalikan ko sya...
Sa lips.
O_O Nagising naman siya sa ginawa ko.
Nakita ko yung expression ng mukha niya. Ang cute niya. Sarap lang pisilin ng mukha.
" Ikaw!! " Tinuro niya ko at nako po. Galit na galit!
" Anong ginawa mo?! " Umupo siya sa higaan ko.
" Hinalikan mo ko?!! " Binato niya ko ng unan.
Masakit yun a. Kahit pala bagong gising ang wild nitong babaeng baliw na to.
" Anong karapatan mo para gawin sa akin yun ha?! " Tumakbo na ko papunta sa dulo ng higaan. At nagtago. E baka tumayo pa yun at kagatin ako. Mahirap na.
BINABASA MO ANG
Can I Borrow A Kiss? I Promise I'll Give It Back [ completed ]
HumorAno nga bang mararamdaman mo kapag ang pinagkakaingat ingatan mong FIRST KISS ay napunta sa taong ayaw mo? Ni hindi mo pinangarap malapitan at lalo na hindi mo pinangarap mahalikan niya? At pinaka nakakainis pa. Hindi lang siya ang first kiss mo, pa...