Chapter 12 [ Sadness.. ]

52K 672 25
                                    

Labis po akong nagpapasalamat sa lahat ng nagbabasa ng story ko po. :") SALAMAT TALAGA! Lalong lalo na po sa mga nagbo-VOTE at COMMENT na puro kiligness at puro magaganda ang nilalaman. Pinatataba niyo ang aking puso. :"> SALAMAT din po sa mga SILENT READERS! ♥ Mahal ko kayong lahat! 

-----

MAE's POV

" Jan kanalang. " Sabi ko sakanya. Yung isang paa ko nakasayad na sa labas ng kotse. 

" Ha? Bakit? Ipag papaalam kita. " 

" Hindi na. " At lumabas na ng kotse.

" Sige na. Para di ka pagalitan. " Pangungulit niya. Tinutulak ko yung pinto ng kotse pasara, sya naman tinutulak niya para mabuksan.

" Wag na sabi e! " Nasigawan ko tuloy. Ang kulit e. 

" At simula ngayon kunwari hindi tayo magkakilala na parang STRANGERS! " tumakbo na ko. Hindi ko nakita ang reaction niya. Pero hindi ko parin naririnig na umalis na yung taxi.

 Oo, ganoon ang gusto kong mangyari. Na sa susunod naming pagkikita, walang imikan at walang batian na magaganap. Anong dahilan? Ngayon ko lang napagtanto na isang napaka laking pagkakamali na pumayag akong doon makitulog sa condo niya. Isang pagkakamali na makasama siya buong araw. At pinaka malaking pagkakamali na pumayag akong halikan niya. Na hindi ko man lang naisip na, Isang playboy nga pala si Dylan. 

Ngayon nararamdaman ko ang matinding pagsisisi. Na parang wala na kong mukhang ipapakita pa sa campus. After kasi nito, alam kong ako naman ang pagtatawanan ng mga babae ni Dylan.

**

FLASHBACK...

[ N/A: Yung mga pangayayari sa chapter 4, yung nakita ni Mae na may kahalikan si Mer. At sinabihan siyang stalker. ] 

 * Tsuk!* 

" OUCH! " Si Mer yabang yun.

" Why did you do that?! Honey, okay ka lang? " Si babaeng Flirt.

" Honey, okay kalang? Psh. " Ako, ginaya ko lang si Flirt. The way she speak at diction niya ginaya ko rin.

" How dare you! Bakit mo sinipa si Mer ha?! Ang kapal din naman ng mukha mo! " Sapakin ko kaya to?! Ang laking EPAL e.Papalapit na siya sa akin. Galit na galit.

" Bakit sino ba siya sa akala mo, akala niya?! Kung makaimbento yang MER MO, E Sobra. Saka bakit kaba nakikiepal, ano ka ba niya? Ha? Ha? Girlfriend ka ba niya ha? To act like that?! If i know, libangan ka lang niyang gunggong na yan! " Dinuro ko si Mer. Habang si Mer naman ay hawak hawak parin ang tuhod niya.

Si babaeng flirt naman at napatigil at napayuko.

Can I Borrow A Kiss? I Promise I'll Give It Back [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon