Chapter 28 [ Panakipbutas ]

40.9K 530 64
                                    

MAE's POV

Pababa na ko ng stage dahil tapos na kong mag-perform.

Nanood kaya si Mer ? Kahit nakinig man lang?

Haaay! Ano ba yan Mae! Forget all about him!

 * Sigh *

Siguro nga panahon na para tapusin na ang kahibangan kong to.

Si Zac. Naghihintay siya sa pagbaba ko. Nagulat ako sa biglaan niyang pagyakap sa akin.

" Mahal kita Mae, at handa akong maging panakipbutas makalimutan mo lang yang taong nagbibigay sakit sa puso mo. "

Paanong... ? Alam na niya yung nararamdaman ko kay Mer? Pero paano?

" Zac.. " Tinapik tapik ko sya sa likod at dahan dahan ko siyang tinutulak palayo sa akin, pero mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sakin.

" Mae, hindi kita kayang nakikitang nasasaktan. Kaya please, let me be the one to give you everything you want and need, let me love you. "

At doon na pumatak ang mga luha ko. Hindi ko alam, pero nakaramdam na naman ako ng sakit sa puso ko. Na bakit kailangan pang mangyari lahat to? Na bakit kailangan ko pang dumaan sa ganitong sakit? Mabait naman ako ah? Bakit ganito?

" Zac... " I hugged him back.

Hanggang dito nalang siguro talaga.

***

" Punta tayo sa backstage! Gusto kong batiin si Mae sa maganda niyang performance. I think, siya ang mananalo. Ang galing niya kasi talaga e. What d'you think? " Nakasukbit sa braso ko ang kamay ni Tricia at naglalakad kami papuntang backstage.

Hindi ko alam kung siya na ba talaga ang pinakamagaling, dahil sakanyang performance lang naman ang pinanood ko. Pero, siguro nga. Siya ang the best.

Habang papunta kami ng backstage, tanong lang ng tanong si Tricia, kung sino raw ba yung taong kinantahan ni Mae. E wala naman akong maisagot. Ayoko rin magsalita. Nakakapika lang.

" Ohhhw.. " reaction nalang ni Tricia.

Si Mae saka si Zac... Magkayakap..

Aish!! Ano ba tong nararamdaman ko!! Pakshet!!

Napatikom ko ang kamao ko..

" Uhm? Mae? Excuse lang. I just want to congratulate you? Ang ganda ng performance mo kanina. "  sabi ni Tricia, mabilis namang naghiwalay ang dalawa. Nagpunas ng luha si Mae, at ngumiti ng pilit.

" Sa-salamat. "

" Congrats. " Sabi ko nalang at sabay alis.

Can I Borrow A Kiss? I Promise I'll Give It Back [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon