Chapter 31 [ Congratulations ]

41.6K 530 63
                                    

A.N : Nagpapasalamat ako sa mga patuloy na nagsu-support, nagko-comment, nagbo-vote sa story kong to. :> Kami ni Dylan, Mae, Zac at Tricia ay lubos na nagpapasalamat sa inyo dahil nasa ' WHAT'S HOT LIST ' ang kwento nila, ang Can I Borrow A Kiss? I Promise I'll Give It Back. ^o^

Grabe guys, sobrang nakakatuwa lang. Na-akala ko dati, sobrang snob lang yung gagawin kong kwento. But now, I have you all guys. Salamat talaga.

Alam kong di ko masusuklian ng sapat yun, pero sana sa mga chapters/updates na gagawin ko. Kahit papaano, matuwa at masiyahan kayo. ^^

PS: I guess, MEJO malapit na rin matapos ito. May bagong idea ng story kasi na pumasok bigla sa utak ko, at sana marami ulit ang bumasa. :">

INGAAAAAT.

- MKB.

******

MER's POV

" Aw!... Aray! Dahan dahan... " Ginagamot ni Tricia ang putok kong labi. Ewan ko ba, pero parang ang bigat bigat ng kamay ni Tricia ngayon.

" Magtiis ka! " Singhal niya sa akin. Mukhang galit.

" Baka.. Aray naman!.. Tss.. Baka naman lalong magkasugat yan. " Sabi ko habang nakatingin na nakatingala sakanya, nakaupo kasi ako sa kama. Habang siya, nakatayo at may hawak hawak na bulak na may gamot.

" Bat mo kasi siya hinalikan ha?!!! " Nagulat nalang ako sa pagsigaw niya sabay padyak nya sa mga paa niya. 

Oo, nanalo kami ni Mae. Kami ang unang nakarating sa finish line. Ang kaso pag katapos niya sabihin na " Panalo kami! " Nalaglag yung baraha na hindi pa man din natatanggal sa pagkakaipit sa amin. Kaya, nahalikan ko siya.

I miss those lips.

Aahhhhhh!!! [ irritated ] Mali! Hindi Dylan. Kalokohan yun. Namamanyak ka lang!

" It was an accident. " Inawas ko yung tingin ko sakanya. Umayos ng upo.

" Oo! Sige. Sabihin na nating 'AKSIDENTE' lang ang kiss na yun. Pero Dylan, Alam mo kung anong nakakainis?.. Yun yung.. Ang tagal tagal.. Ang tagal.. Bago mo bitiwan ang mga labi niya! Na talagang ipinagdudukdukan mo pa sakin na MAHAL MO SIYA " Nakita kong may luhang tumulo galing sa mata niya, pero mabilis din naman niya itong pinahid. 

" Hind--- "

" Grabe! Ganito na ba talaga? Ganito ba talaga ang paghihiganti mo sa akin ha? Ang gawing katanga tanga ako sa harap ng maraming tao at kahiya hiya?! Dylan! Sana naman.. Naisip mo na, nandoon ako.. Na nasasaksihan ko yung paghaplos ng mga kamay mo sa pisngi ni Mae habang nakahalik ka sakanya... maraming nanonood doon, na halos lahat.. Alam na tayo! "

Can I Borrow A Kiss? I Promise I'll Give It Back [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon