Chapter 24 [ Pain, suffer, sacrifice ]

42.9K 522 42
                                    

MAE's POV

" Please, help me win Dylan back. "

Nagulantang ang buong pagkatao ko ng sabihin niya sakin ang mga salitang iyan. At feeling ko tumaas bigla ang temperature ng ulo ko.

" HOW DARE YOU!! GUSTO MO SI DYLAN?! TAPOS SI ZAC HUH? PAANO SI ZAC?! ANG KAPAL DIN NAMAN NG MUKHA MONG HUMINGI SAKIN NG FAVOR NA KATULAD NIYAN!! "

Gustong gusto kong sabihin at isumbat sakanya yan, ang kaso wala akong lakas ng loob, hindi ko kaya. Since then she has been really nice to me, na kahit na yung first meet nami noon ay hindi ko siya trip. Hindi naman ako ganoong kasamang tao, Na kahit na dahil sakanya, nasaktan at umiyak ako. Oo, inaamin kong may galit ako sakanya, pero wala naman akong karapatan diba? Ano ba ko kay Mer? Ano ba kami ni Mer? Wala naman diba?

But somehow, gusto kong magalit sakanya dahil sa ginagawa niya sa bestfriend ko.

" Dylan? S-si Mer? " Tumango siya.

" He was my boyfriend before.... " At nagkwento siya tungkol sa kanila ni Dylan noon.

Na habang nagke-kwento siya, tumatagos sa akin at tinatamaan ang puso ko. Na feeling ko ang tanga tanga ko dahil hinahayaan kong makinig kay Tricia. Pero ang laging nakatatak sa utak ko ay

' WALA AKONG KARAPATAN '

Nalaman ko ang buong storya nila. At oo, nakaramdam ako ng kaunting awa kay Tricia, pero mas matinding awa sa bestfriend ko.

" Paano na ang bestfriend ko? " Hindi ko lubos maisip ang nangyayari. Mahal na mahal siya ng bestfriend ko. Pero yun pala, hindi siya mahal ng babaeng mahal niya.

" I forced myself to love him. I forced myself to forget all about Dylan for him Mae." Lumapit siya sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko. "But, I’ve  made up my mind and decided not to give up, why should I force to forget him when all the memories he had given makes my life worth living? So please Mae, tulungan mo ko kay Dylan. Si Zac, sa'yo na siya. Alam ko namang may feelings ka para sakanya. Tutulungan din kita. Promise. "

Biglang lumaki ang mga mata ko. Ako?! May feelings para sa bestfriend ko?! Papaanong?...

" Huh? Hi-hindi kita maintindihan Tricia. "

" When the first time we met. Alam kong hindi mo ko gusto. Parang nakita ko sa mukha mo na nasaktan ka dahil nalaman mong may girlfriend na ang bestfriend mo. Kaya I made my conclusion na may gusto ka sa kanya. "

" Pero.. Nagkakamali--- "

" Don't deny it. I swear, tutulungan kita kay Zac. Mae, please. " Kitang kita ko sa mga mata niya na pursigido talaga siya sa gusto niyang mangyari.

Hindi ko alam pero na pa " Oo " nalang ako sakanya. Alam kong masasaktan si Zac pag nakipagbreak sakanya si Tricia, pero sabi nga ni Tricia, andito naman daw ako para sa bestfriend ko. At doon na daw mangyayari ang gusto kong mangyari, na habang kino-comfort ko si Zac, maiinlove siya sa akin dahil lagi raw akong nasa tabi nito.

Can I Borrow A Kiss? I Promise I'll Give It Back [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon