Chapter 38 [ That Woman ]

39.7K 466 31
                                    

MAE's POV

Ang hirap hirap. Ang hirap hirap magpanggap na okay ka sa harap niya. Ang hirap magpanggap na kaya mo pa para sakanya.

" Bebe ko! " Kinulong niya ko sa mga bisig niya. " Congratulations at gagraduate na tayo! Konting tiis nalang papakasalan na kita. " Ramdam na ramdam ko kung gaano siya kasaya. Na sana, hindi na matapos tong gabi na to, na nakikita ko sa mga mata niya kung gaano siya kasaya.

Niluwagan ko ang pagkakayakap ko sakanya at unti unting humiwalay, " Congratulations din bebe ko. I love you sooooo much! " Hinalikan ko muna siya na mabilis sa lips at niyakap muli.

Nang mga nakaraang mga araw, unti unti kong pinaparamdam kung gaano siya kahalaga, at kung gaano ko siya kamahal. Hindi katulad dati na pinangungunahan ako ng hiya, kahit na alam kong akin lang si Mer.

" The night after your graduation Mae, aalis ka ng bansa at susunod ka kay Mama sa states. "

Sabi sa akin ni Kuya Moe, noong nagmakaawa ako na wag na wag niyang sasabihin kay Mer ang tungkol sa sakit ko.

Haay. Isa rin sa kinasasama ng loob ko, galit parin ata sa akin si Kuya.

At ngayon nga ang gabi ng graduation namin. Ang gabi na kinakatukatan kong dumating.

Ang gabing kailangan ko ng iwan tong lalaking to. T.T

Pinaupo na kami ng aming principal sa mga proper seats namin. Section by section kasi. Achiever ako, kaya medyo nasa unahan ako kasama ng mga honor classmates ko.

Tinignan ko si Mer.

Proud na proud ako sa kanya dahil salutatorian siya ng buong fourth year. Akalain mong sa kabila ng pagiging casanova niya dati, hindi parin niya napapabayaan ang pag aaral niya. Daig niya pa ko, kung hindi late, e tulog sa klase.

Lumingon siya sa akin, ngumiti at kinindatan ako. 

I giggled. Oo na, kinikilig pa rin ako sa mga ganoong gestures ni Mer.

Nagsimula na ang ceremony.

Bawat oras na lumilipas, pasakit ng pasakit ang puso ko. Dahil paunti ng paunti ang mga oras na makakasama ko si Mer.

" Wooooo!! Girlfriend ko yan!! At soon to be wife ko! " >///<

Grabe lang, kung pwede na kong kainin ng lupa dito. Papayag ako. Paano ba naman kasi, diba ina-announce yung mga achievers, e turn ko na. Nung tinawag na yung pangalan ko. Ayun, nagsisigaw ang loko. Waaaaahhh!!

Nang kakamayan ko na yung school principal namin at naging guest speaker namin, ngumiti sila na parang nanunukso. " Congratulations Mrs. Cruz. " Sabi ni Madam principal. >//< Waaaahh!! Mrs. Cruz daw ba e? Juskooo! ♥  " Proud na proud at mahal na mahal ka ng boyfriend mo Ms. Lipaz. " Sabi naman nung guest speaker namin. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hiyang hiya talaga ko.

Can I Borrow A Kiss? I Promise I'll Give It Back [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon