MAE's POV
" Here. " Nagulat nalang ako ng may twalyang nanggaling sa likod ko na tumakip sa katawan ko. Yung para bang nakayakap sa likod ko yung nagbalot sa akin nito.
Napatingin ako sa twalya at dali daling humarap sa taong nagbigay sa akin nito.
O.O
OMO! E kasi naman, pagharap ko, napadikit ako sa dibdib nitong taong to.
Para tuloy hinahalikan ko yung chest nya. Mabilis akong lumayo at iniangat ko ang tingin ko para makita sya.
Ito nanaman ang puso ko, tumatalon talon sa loob. Ang hyper! At Doble pa ata ng laki ng mata ang reaction ko.
" M-Mer! "
" It looks like kasing wala kang towel, kaya binigay ko muna yang towel ko sayo. " Hindi ko makita yung mata niya dahil sa nakatakip na shades, pero nakangiti yung mga labi niya.
Napahigpit ako ng hawak sa towel, " S-salamat. Soli ko nalang to mamaya. "
" Sige. Pero, as for now, gamitin mo muna yan para takpan yang katawan mo. " Tumalikod siya sakin at nagsimulang maglakad papunta sa tubig. " Ang sexy mo kasi. "
Ha? Ano raw? Hindi ko narinig e? Ang hina. Psh.
" Si-sige. Salamat ulit ha? Bye. " sabay takbo sa hotel at sa kwarto ko.
Dumiretso ako sa kama, humiga ako doon at ini-spread ang mga braso ko.
Ito ka na namang puso ka, tumigil ka na sa pagwawala sa loob. Hindi nga pwede yun. Naiinitindihan mo ba?
Bat ba kasi.. parang pinagtatagpo kami ng tadhana? Parang gusto talaga akong saktan ni Lord? Di ba pwedeng ipakalimot nalang Niya sa akin si Mer?
***
Nandito kami sa sala ng mga kabarkada at kaibigan ni Zac. Sila Tricia andito rin.
Wala lang. Kwentuhan, tawanan lang dito.
Gusto ko ng matulog e. >,>
Nakuha lahat ng atensyon namin ng birthday boy dahil sa malakas na palakpak nito.
" Okay guys! Let's play a game, para hindi naman boring. "
" Ha? E anong game naman yan? " tanong ng isa sa mga lalaking andito.
" Uhm. Ahah! " May nakita siyang deck of cards sa sala table at kinuha ito. " A card game. "
BINABASA MO ANG
Can I Borrow A Kiss? I Promise I'll Give It Back [ completed ]
فكاهةAno nga bang mararamdaman mo kapag ang pinagkakaingat ingatan mong FIRST KISS ay napunta sa taong ayaw mo? Ni hindi mo pinangarap malapitan at lalo na hindi mo pinangarap mahalikan niya? At pinaka nakakainis pa. Hindi lang siya ang first kiss mo, pa...