TRICIA'S POV
Inaamin ko, naging selfish ako. Naging swapang ako sa pagmamahal kay Dylan. Naging bulag at manhid ako na hindi ko nakikita at nararamdaman na may nasasaktan na pala ako. Na dahil sa akin, may mga taong hindi makayang sumaya.
Ako, ako pala yung taong, gagawin lahat para makuha ang gusto. Makuha ang lahat kahit na nakakasakit na. At dahil sa mga sinabi ni Zac, natauhan ako.
Ano nga bang laban ko sa dalawang pusong nagmamahalan?
Paano ko nga naman hahabulin ang taong ayaw magpahabol sa una palang?
Ngayong mga oras na to, naiinis ako sa sarili ko.
Naiinis ako sa mga panahong dati, head over heels sa akin si Dylan na sinayang ko lang.
Na dati, sa akin lang nakatuon lahat ng oras at tingin ni Dylan, pero binalewala ko lang.
Na ngayon, kailangan ko na siyang bitiwan dahil hindi na siya sasaya sa akin.
Totoo palang..
Mahirap pakawalan ang taong mahal mo.
Pero wala e..
Kailangan, kasi gusto mo sumaya siya.
***
Nanginginig ang mga paa ko habang humakabang papunta sa lugar kung nasaan na ngayon sina Dylan at Mae.
Pakiramdam ko babagsak na ko, pero hindi. Dahil nakahawak si Zac sa kamay ko.
" Pe-pero, paano si Tricia? " Naabutan namin sina Mae at Dylan na magkalapit.
" Congratulations. " Pagsabat ko sa usapan nila. Hindi ako nakangiti, kundi umiiyak ako. Nasasaktan ako ayokong magpanggap.
" Tricia. " Sabay nilang sabi.
" Uhm. Mae, i'm very sorry. Hindi ko sinasadya na masaktan kita. Hindi ko talaga si-sinasadya. Siguro nga, totoo nga na kapag nagmamahal ka, nagiging tanga ka. At naging tanga ako sa pag-ibig ko kay Dylan. Dylan is such a good guy. And letting him go is a very hard thing for me. But now, i realized na why should I be happy kung na-nakikita ko na nasasaktan na pala siya at dahil yun sa kaswapangan ko. " Pinunasan ko ang mga luha ko.
" Tricia.. " Lumapit sa akin si Dylan.
" Dylan.. " Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay. " Pinilit ko naman e.. Pinilit kong mahalin mo ulit ako.. Pero bakit ganun? Kahit anong pilit ko wala parin? *sniff* "
" I'm sorr-- "
Umiling ako, " Please, dont be. A-ako, ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat ng to. Lahat tayo nasakatan ng dahil sa akin. Dahil sa selfishness ko.. A-alam mo Dylan.. Akala ko madali lang na bumalik sayo, na ibalik lahat ng meron sa atin noon. Pero ang hirap hirap pala. Ang hirap hirap ipagpilitan ang sarili mo sa taong may nakikita ng iba. "
BINABASA MO ANG
Can I Borrow A Kiss? I Promise I'll Give It Back [ completed ]
HumorAno nga bang mararamdaman mo kapag ang pinagkakaingat ingatan mong FIRST KISS ay napunta sa taong ayaw mo? Ni hindi mo pinangarap malapitan at lalo na hindi mo pinangarap mahalikan niya? At pinaka nakakainis pa. Hindi lang siya ang first kiss mo, pa...