TRICIA's POV
" Let's go? " nakangiti kong sambit sakanya.
" Ano ba yang suot mo? " Tinignan niya ko ul hanggang paa. " Magsisimba ka ba? "
Ano?!! Matapos kong ihanda tong damit na to? Insulto lang ang matatanggap ko?!!
I folded my arms in front, " Tss. Ano?! Magsisimba?! Diba magde-date tayo?! " irratated kong sabi sakanya. Bumalik nanaman kasi yung pagkainis ko sakanya. As in..
" Magpalit ka. Hindi tayo magde-date. Beach party ang pupuntahan natin. Birthday ng kaibigan ko.. "
" Huh? E bat kailangan mo pa kong isama? " Hello? Wala kaya akong kasamang iba. Baka ma-OP at mapanis laway ko doon dahil sa wala akong kausap.
" Magbihis ka na. Dalian mo. " Pag-uutos niya sa akin habang palabas siya ng gate, " I'll be waiting inside my car. "
Argghh!! Napaka niya talaga! Haay. Ang gara lang, kailan kaya siya ulit magiging sweet sa akin?
Kailan ko kaya ulit maririnig sakanya na mahal niya ko?
Bumuntong hininga ako at malungkot na pumasok sa bahay at nagpalit. Nagbaon na rin ako ng ilang damit. Tyak naman kasi na mababasa ako doon.
Nagsuot lang ako ng isang long white summer dress at summer hat. Sinukbit ko rin ang SLR camera ko.
***
MAE's POV
" Wooooooow!!! " ^o^ " Zac!! Tara dito dalii!! Ang ganda dito! " Sigaw ko kay Zac na naglalakad papunta malapit sa akin. Samantalang ako naman e parang bata na tumatakbo sa seashore.
" Ang cute mo talaga. " Sabay gulo ng buhok ko.
Mahangin na nga e, nigulo pa lalo. Pshhh. >.>
" Buti nalang inimbita ka ng kaibigan mo dito at sinama mo ko. Matagal na kong di nakaka punta sa resort. " Hindi na ko magpapasalamat sakanya. Lagi naman niyang sinasabi sa akin yun e.
" Wag ka masyadong magbababad sa tubig saka magpapagod. "
" Opo tatay. " E para kasing papa ko. Sobrang protective na concern na ewan.
Nagpapasalamat na rin ako, na kahit na umamin siya sa akin na mahal niya ko higit pa sa bestfriend ay hindi kami nagkakailangan. Yung para bang dati pa rin. Kaso, mas lalo siyang naging sweet sa akin. Nanliligaw daw siya sa akin e.
BINABASA MO ANG
Can I Borrow A Kiss? I Promise I'll Give It Back [ completed ]
UmorAno nga bang mararamdaman mo kapag ang pinagkakaingat ingatan mong FIRST KISS ay napunta sa taong ayaw mo? Ni hindi mo pinangarap malapitan at lalo na hindi mo pinangarap mahalikan niya? At pinaka nakakainis pa. Hindi lang siya ang first kiss mo, pa...