DEDICATED SAKANYA TO KASI, ANG GAGANDA NG COMMENT NIYA SA BAWAT UPDATE KO. :") SALAMAT SIS SA PAGBABASA! LOVEYOU!
SAKA SA MGA DEAR READERS KO PA. MAHAL KO KAYO! SALAMAT SA PAGSUPORTA! :")
-----
MAE's POV
kriiiinng kriiiinggg krriiiiingg
Haay! Alarm clock ko yun. At araw nanaman ng pagpasok.
Eek. Ayaw ko paaaa. T.T Makatulog nga ulit. -.-
*vibrate vibrate*
Sinagot ko kaagad yung phone.
" Hello? " Di ko alam kung sino yung caller. Nakapikit kasi akong sinagot yung tawag.
" Hoy Mae! Gumising kana Jan! Malelate kana! " Bwisit talaga! Si kuya Moe lang pala to e!
" Pakamatay kana! " Sabay baba ng phone.
Nagsimula na kong bumangon sa kama ko at dumiretso sa banyo.
Naligo, nagbihis, bumaba sa baba at kumain.
Nandoon si Kuya Moe, kumakain.
Naupo ako sa harapan niya.
" Mae, kakausapin ka daw ni mama. "
" Ha? Kailan? " Oo nga pala. Noong isang araw pa ko gustong makausap ni mama, kaso wala ako. Ano naman kaya sasabihin niya sakin?
" Mamaya. After class. "
" Bakit daw? "
" Ewan ko. "
" E bakit after class pa? "
" Napaka dami mong tanong Mae! "
" Bakit masama ba? "
" Hindi. "
" E bakit ayaw mong magtanong ako? "
" Bahala ka nga jan! " Tumayo siya at pumunta sa kwarto niya.
Hahaha! Gustong gusto ko talaga bwisitin yung mokong kong kuya.
" Ikaw talaga Mae, binuwisit mo nanaman ang kuya mo. " Si Nana Tessie habang nagsasalin ng gatas ko sa baso.
" Hindi mabubuo ang araw ko nay pag di ko naaasar yun e. "
" Buti nga't pinagtatanggol ka nun sa mama nyo. Kundi matagal ka ng naipadala sa states dahil sa kapasawayan mo."
" Nay naman, mamimiss mo naman ako pag nagkaganun. "
" Nako ka. "
" Osiya nay. Pasok muna po ako ha? Bye Nay. " Halik sa pisngi sabay alis.
Paglabas ko ng bahay, pumunta ko sa garage namin. Hinanap ko yung bike ko. Lagi lang kasi ako nagba-bike papuntang school. Exercise na, tipid pa. Malapit lang naman din kahit papano. Kaya di masyadong pagpapawisan.
BINABASA MO ANG
Can I Borrow A Kiss? I Promise I'll Give It Back [ completed ]
MizahAno nga bang mararamdaman mo kapag ang pinagkakaingat ingatan mong FIRST KISS ay napunta sa taong ayaw mo? Ni hindi mo pinangarap malapitan at lalo na hindi mo pinangarap mahalikan niya? At pinaka nakakainis pa. Hindi lang siya ang first kiss mo, pa...