Chapter 39 [ Kiss ]

41.4K 571 50
                                    

 GUYS, I Just want to say thank you. Thank you so much po sa mga SUPPORTERS,READERS, VOTERS, at COMMENTERS  nitong CIBAK IPIGIB. Hindi niyo lang po alam, pero sobrang nakakatuwa habang nababasa ko yung mga comments niyo. It keeps my motivation na magpatuloy pa at tapusin ang storya ko. Kase nga sa buhay hindi maiiwasan ang magkaproblema at minsang sumuko. :"> So I'm here again, updating my story. Sana Binasa niyo tong A.N ko. INGAT. ^^

----

 [ COMMERCIAL : PARA PO MAS MAGUSTUHAN NIYO. PWEDE PO KAYONG MAKINIG NG MUSIC. JUST CLICK THE VIDEO TO PLAY. -----> ]

MER's POV

" Mer. "

" Mae--- "

Si Mae. She's Back. She's finally back, at ngayon, ito hawak hawak ko na siya. Yakap yakap ko na siya. I missed her so much.

" I'm sorry if I left you all alone. " Sabi niya sa akin, hinigpitan niya pa ang yakap niya sa akin.

" Mae. "

" Mer, patawarin mo sana ako. Patawarin mo ko sa pag-iwan sayo sa loob ng limang taon. I know, I left you clueless. I'm sorry. " nagsimula ng gumaralgal yung boses niya.


Gusto kong itanong sakanya kung anong dahilan kung bakit niya ko iniwan. Gusto kong malaman kung anong ginawa nya sa loob ng limang taon. Pero hindi ko na nagawa yun. Ngayong mga oras na to, hindi na importante sa akin yun. Ngayong mga oras na to, para bang nawala lahat ng sakit at lungkot na naramdaman ko sa limang taon na yun. And that's all because of this girl.

My tears fall down. Tears of joy. 

Kumalas siya sa pagkakayakap atsaka hinawakan ang magkabila kong pisngi, " Sorry kung nasaktan kita... " Pinunasan niya yung mga luha ko gamit ang thumb niya. " ..Kung pinaiyak kita. Limang taon kong tiniis na mapalayo sa'yo. Limang taon kong tiniis ang sakit at pangungulila sa'yo. Alam ko, ang laki ng sinayang ko sa limang taon. Pero Dylan Mer, andito na ko. Babawi ako, pangako. Hinding hindi na kita iiwan pa. "

" I love you. I love you so much Mer. " Nilapat niya ang labi niya sa labi ko.

Dahan dahan ko siyang pinalayo sa akin, at tinignan sa mata. " Mae. "

Hindi talaga ako makapaniwala. Nananaiginip ba ko? Nandito ba talaga si Mae? God! Kahit managinip na ko habambuhay, okay ng hindi ako magising. Makasama ko lang siya.

" Ba-bakit Mer? Hu-huli na ba ko? M-may asawa ka na---- "

Niyakap ko siya ulit ng may ngiti sa mga labi, nakapikit. " My heart has been taken Mae. "

Can I Borrow A Kiss? I Promise I'll Give It Back [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon