Ch. 25: Caile's first move

181 12 0
                                    


CAILE'S POV


Saturday.


I woke up na magaan ang pakiramdam. Hindi ko alam kung dahil sa sobra ang tulog ko o dahil sa wala akong iniisip ngayon. Dahil sa wala akong ibang ginagawa, maaga akong gumawa ng assignments, at nang maaga kong matapos iyon ay nag-ayos nalang ako ng study table. Saka ko napansin ang pictures noong pageant na hindi ko pa na-scan ng tingin. Kinuha ko iyon at umupo sa kama.


May picture habang rumarampa ako with different attires. May dalawang picture na kaming dalawa ni Tamarra ang nandoon, iyon isa kuha habang nagaganap ang daring round kung saan nakapiggyback siya sa'kin. Ang pinakamaraming kuha eh noong awarding na, may isa na mukha akong tanga dahil nakakunot ang noo ko, iyon ata yung time na inannounce na nanalo ako. Tapos ang sumunod na mga kuha ay kami ni Aimee kasama ang faculty and staffs. May kuha kami na kaming dalawa lang pero hindi kami nakatingin sa camera. Stolen.


Sa lahat ng kuha niya, walang nakangiti. Pero kahit gano'n, hindi siya awkward tignan, parang natural nalang ang itsura niyang gano'n.


And I must admit, ang ganda niya sa lahat ng kuha niya. Tapos ako, piling stolen lang ang matino ang itsura ko, the rest ang mukhang siraulo na.


Puro shots ni ate Chelsea ang mukha akong tanga! Yung matitino, galing sa official photographer ng event. Hindi talaga mapagkakatiwalaan 'yong babaeng 'yon eh.


Ibinaba ko na ang pictures at humiga nalang sa kama. Si Andy at Tamarra naman ang pumasok sa isip ko. I need to make a move na, pero ano? Ano nga uli ang plano? Ang mapalapit ako kay Tamarra diba? Dapat kong makuha ang loob niya, at kahit ayaw ko, dapat sa'kin siya magkagusto. Then, sasabihin ko nalang siguro na iba ang gender preference ko sa inaakala niya. Then, Aimee will take care of the rest.


So for the first step, I need to befriend her.

****

Monday morning and ang mood ko katulad pa rin noong Saturday. Pagpasok ko palang sa Newton ay sa cafeteria na ako dumeretso para bumili ng choco latte. Dahil maaga pa naman, sa SCO muna ako umakyat. At ang hindi ko inaasahan, hindi ako ang nauna doon, nandoon na si Tamarra na nakaupo sa cubicle niya na katabi ng cubicle ko. At si Jade na nasa cubicle niya rin pero medyo malayo sa pwesto namin. Hindi nila ako napansing pumasok.


"Good morning."-paunang bati ko para mapansin nila ako. Sabay silang lumingon sa'kin at sabay din bumati. Naunang bumalik si Jade sa ginagawa niya, pumunta ako sa pwesto ko para ilapag ang gamit ko saka lumipat sa upuan sa harap ng desk ni Tamarra. Nilapag ko rin sa harap niya ang latte na hawak ko. Nagulat siya sa'kin at sa ginawa ko.


"For you."


Nagulat uli siya, tinignan niya ang nasa harap niya bago tumingin uli sa'kin. "T-Thank you. Pero, bakit?"


"Anong bakit?"-kunwaring hindi ko nakuha ang sinabi niya. 


"Bakit mo ako biglang binigyan ng ganito?"


Nagkibit balikat ako. "Gusto kong maging mabait ngayong umaga."-I smiled at her, sandali siyang natigilan.

Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon